Epilogue

2.4K 95 26
                                    

Last chapter! Thank you so much for reading, waiting, and commenting! See you next story.

Unedited. May contain typos and grammatical errors. 

_

DIWATA was tapping her fingers while seriously looking at her laptop's screen. Naka-display ang PRC portal, tinitingnan ang listahan ng mga passers for the board exam. Kagabi pa siya hindi makatulog, makakain, nasusuka na siya dahil sa kaba.

Nasa tabi niya sa Levi at ito na ang nagmamanipula ng laptop. Sila Lola niya, Manang Risa, Miguel at iba pang katulong ay nasa kanyang likod, gusto rin nilang malaman ang results. Saksi ang mga tao sa bahay na ito kung gaano siya nagsusumikap para sa pangarap na ito.

"Here," she could hear her husband's excitement. Nakatitig ito sa maliit na font ng screen, ganoon din siya. "Verdejo, Diwata Soledad A. Passed. She garnered a brilliant average of 87.40 percent."

Una pang tumili ang mga tao sa kanyang likod kaysa sa kanya. Binasa niya nang paulit-ulit ang pangalan niya hanggang sa mag-sink in sa kanya ang lahat. Baka kasi namamalikmata lamang siya o binibiro ni Levi kahit hindi naman ito mapagbiro.

"Yes! Congratulations, ma'am!"

"Nanaginip ba ako, Levi? Kurutin mo nga...awh! Ano ba? Ang lakas naman!" tawang-tawa itong sinapak niya sa balikat. Hindi siya nanaginip. Lumingon ulit siya sa screen hanggang sa mabasa niya ang kanyang pangalan na hindi nawala.

"You passed, baby. I'm so proud of you." Nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ng asawa ay doon siya tumili. Niyakap niya rin ito, pinaggigilan. "Oh god. I can't breathe, Di."

Inatake niya ito ng halik sa mukha. Tsaka tumayo para yakapin ang kanyang Lola. "Masayang-masaya ako para sa'yo, Sol. Pangarap mo 'to. Masayang-masaya ako. Proud na proud ako sa'yo."

"Salamat, Lola."

"Pumasa ka man o hindi ngayon, proud na proud pa rin ako sa'yo." Patalon-talon niyang niyayakap ang kanyang Lola. Malawak ang ngiti niya sa labi, damang-dama ang luha dahil sa labis na saya.

Niyakap din niya sila Manang Risa na panay bati sa kanya.

"Mag-se-celebrate tayo, ma'am!"

"There's another one, baby. Umupo ka ulit..." hinatak siya ng asawa papaupo ulit sa throw pillow. Naikasal lang siya sa lalaking ito, ang harass-harass palagi.

"Ano pa?"

"Here are the following examinees who top performs....Diwata Soledad Verdejo. University of Saint Joseph. 87.40%. Top 5," masayang-masaya nitong basa. Nagkatitigan silang dalawa. Kumikinang ang mga mata ng asawa niya habang pumalakpak ng bahagya.

"Well, my baby deserves some gift."

Sa pagka-masaya niya ay hindi siya makapagsalita. It didn't matter to her if she topnotched or now, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang makapasa.

"I don't need a gift, love. Sapat na sa akin na hindi mo ako iniwan nang naghihirap at umiiyak ako sa mga problema ko sa buhay," she smiled sweetly to him. "Sapat na sa akin 'to."

"As one of the members of your support team, I love supporting you, Di. But we'll still celebrate." Tumango siya, nangingiti pa rin.

Worth it lahat ng hirap, pawis, at luha. Paulit-ulit niyang binabasa ang pangalan niya hanggang sa magsasawa siya. Pangarap lamang niya ito noon, nasa kamay na niya ngayon.

"Oh, meryenda muna!" Dala-dala ni Manang Risa at nila ate Nika ang freshly baked brownies, mango juice, at fruit salad na gawa nila kanina.

Nilapag naman agad ang mga iyon sa center table. Nang nalanghap niya ang amoy ng mga ito ay biglang kumulo ang kanyang tiyan, umasim ang kanyang lalamunan dahil parang nakakasuka.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Where stories live. Discover now