Chapter 12 - Married

1.4K 66 19
                                    

Sorry for the wait! 

Unedited. May contain typographical and grammatical errors.

__

DIWATA was staring at her reflection in the large mirror. She wasn't sure if the above-the-knee length white dress suited her. The dress was tailored simply with puff sleeves and with five white buttons on the chest part. Hapit na hapit iyon sa kanyang katawan at medyo hindi siya komportable. Kahit anumang dress ay hindi siya komportble. Pinapili siya last week ng dresses at ito ang napili niya kasi simple lang 'yong design saka hindi mahal.

Simple lang naman 'yong kasal kaya hindi na kailangan ng engrandeng damit. Though magiging registered marriage 'to, hindi naman ito bunga ng pag-iibigan kaya ayos na sa kanya ang simpleng damit.

The moment was nerve wracking and breathless. Dumagdag pa sa panginginig niya ang malakas na buga ng aircon ng hotel suite. Kanina pa siya nagbubuntong-hininga. Lalo pa at may sinasaulo siyang wedding vows kasi kailangan daw 'yon. Hindi naman alam nong judge na mag-o-officiate ng wedding na hina-hire lamang siyang bride. So dapat, magkukunwari siya sa kanyang wedding vows.

Isang paghingang malalim ang kanyang ginawa. Pagkatapos ay sinuot na niya ang sandals na flat lang 'yong heels. Wala na siyang kasama sa suite dahil lumabas na 'yong babaeng kapatid ni Sir Fabiz na siyang tumulong sa kanyang mag-make up at mag-ayos ng kanyang buhok.

Sa Cebu City Hall of Justice sila ikakasal dahil nandito ang judge na kakilala ni Atty. Saravia. Mas pinili ng mga ito na hindi kumuha ng judges or associate judges na kapamilya ni attorney para iwas sa mga komplikasyon in the future.

Dito na rin nakapag-decide si Sir Levi na e-he-held ang kasal kasi may business conference ito ng tatlong araw sa siyudad para hindi na magtaka ang Mama nito.

At ang alibi naman ni Diwata sa scholarship foundation ay may gagawin siya sa eskwelahan na mahalaga.

"Ilabas mo na ang tinatago mong acting skills, Diwata," saad niya sa sarili, pinapaypay ang sarili gamit ang kanyang mga kamay.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng suite. Pumasok 'yong kapatid ni Sir Fabiz na si Ate Fauna. Matanda ito ng tatlong taon sa kanya at nag-aaral sa isa sa pinakamahal na unibersidad sa siyudad.

"Keep calm, Diwata. You look like fairy really so don't worry. Kuya Levi will love your dress and your looks. O kahit yata anong suutin mo, love ka pa rin ni Kuya," mahina at malamyos ang mga boses nito. Nakapag-bihis na ito ng simpleng dress at nakakapag-ayos na rin ng sariling mukha.

"Ganoon naman po talaga siguro kapag ikakasal, kinakabahan."

"I don't know, but I'll sure be nervous because of excitement and joy especially if I'll be married to the man of my dreams. Right?" marahan siyang tumango kasi hindi niya alam kung man of her dreams ba si Sir Levi.

He could be her man of her dreams. Magsisinungaling siya kung hindi niya sasabihin na hinahangaan niya ang lalaki. She was infatuated and secretly crushing on him a little, sa loob ng mga nagdaang mga buwan.

But she knew too well that verbally and legally it had been agreed that no falling in love. At para sa sarili na rin niyang kapakanan at mga pangarap, hindi muna magpapa-distract sa mga bagay na konektado sa pag-ibig. She hoped she would not liked him deeply.

This marriage would only be an agreed business deal. No more, no less.

"You're too lucky to marry Kuya Levi. He's one-woman man. He's kind, loving, and thoughful. Bonus na lang na gwapo siya. I never really thought na magkaka-girlfriend si Kuya eh o magpapakasal man lang. Nasa aura kasi ng circle of friends niya na mga takot sa commitment lalo na 'yong Kuya ko."

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon