Chapter 21 - Hurt

1.4K 77 8
                                    

Thank you for waiting!

Unedited. May contain typos and grammatical errors. 
_

ALAS onse natapos ang huling misa sa gabi. Magkasama sila ng kanyang Lola, ni Grace, Nenett na kasama ang tatlo nitong kapatid at Leah na kasama ang Ate nito. Medyo kilala si Leah sa bayan nila dahil Tiktok influencer kaya panay ang bati ng mga tao rito. May namumukaan siyang mga classmate 'nong highschool na binabati siya kaya binabati niya rin ang mga ito.

Naglalakad lamang sila pauwi kasi marami naman sila at malapit lang ang bahay nila. Masaya siyang kasama ang mga taong ito ngayon. Hindi naman mabilang ang pagkakataon na nasagi sa isip niya si Sir Levi.

Wala siyang natanggap na sagot sa imbitasyon niya galing kay Sir Levi kahit noong nag-usap sila patungkol sa regalo na natanggap niya 'nong party. Ayaw niya sanang tanggapin pero mapilit ito. May MacBook naman daw si Sir Levi at sinong gagamit kung hindi niya tatanggapin.

Napilitan na lamang siyang tanggapin.

Sana makapunta ito ngayon kasi may ibibigay rin siyang regalo. Kung hindi naman pupunta ay pagbalik na lamang niya sa mansyon ibibigay. O 'di kaya ay pupuntahan niya ito ngayon sa mansyon. Sasaglit siya.

Masaya silang nakauwi. Tatlo lamang sila sa bahay pero masaya siya. Nagkakantahan na si Grace at Leah. Dito daw tatambay muna ang kaibigan niya kasi nasa bahay raw nito ang boyfriend ng Ate nito. Na hindi niya alam kung bakit hate na hate nitong si Leah.

"Nasa ibang bansa ba ang boyfriend mo, Sol? 'Di mo inimbita?"

Nasa harap siya ng kanyang cellphone. Naghihintay na may matanggap na text galing kay Sir Levi. Sa huli ay siya na ang nagtipa ng mensahe para sa lalaki.

Diwata: Merry Christmas, Sir Levi!

And sent.

"Inimbita naman pero sana pupunta," sagot niya sa kaibigan na tumango lamang. Abala sa pamimili ng kakantahin.

Nang wala pa ring matanggap na text ilang minuto na ay gusto na niyang puntahan ang lalaki. Mabilis naman itong mag-reply pero pansin niyang nagbago na nitong mga nakaraang araw dahil sa trabaho.

Gusto niyang ibigay dito ang kanyang regalo. Medyo nag-alinlangan pa siya sa ibibigay kasi nasa kay Sir Levi na naman lahat. Ano pa ba ang hindi nito napagmamay-ari?

Simple lang naman 'yong gift niya. Pencil art. Portrait ng lalaki na hinand-draw niya. Iyon ang isa sa mga hidden talent ni Diwata, ang pagdo-drawing. Hindi lang niya nakahiligan talaga ang arts kaya nabaliwala rin niya. Medyo focus din kasi siya sa academics at trabaho kaya hindi niya talaga na-develop. Kapag feel lang niyang mag-draw ay nagdo-drawing siya.

Inilagay niya lamang 'yon sa isang gold frame para magmukhang kaaya-aya.

"Lola, pwede ko kayang puntahan? Saglit lang. Baka hindi 'yon pupunta eh kasi nasa isip ang trabaho," paalam niya sa kanyang Lola na nasa sala rin, tinitingan lang ang ginagawa nila Leah.

"Pasko pero trabaho ang inaatupag. Pwede naman, apo pero malapit na hating-gabi."

"Bibilisan ko lang po."

Tumango ito saka kinuha ang regalo niya sa kanyang kwarto. Sinakyan niya ang kanyang bike na napaayos na niya saka binilisan ang pagpapatakbo. Medyo malayo ang Hacienda Alegre kaya natagalan siya nang makarating sa malaking gate. Kilala siya ng naka-shift ngayon na guard.

"Merry Christmas, Kuya!"

"Merry Christmas, ma'am."

"May trabaho ka po pala."

"Uuwi ako ng ala una, ma'am."

Hindi niya alam kung nasaan ngayon si Sir Levi pero dumiretso siya sa daan papuntang mansyon. The cold air of December made her shiver. Maganda ang gabi kaya maganda magcelebrate. Hindi gaya kagabi na ang lakas ng ulan.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Where stories live. Discover now