3rd

5.7K 294 108
                                    

Wanna get out of here?



"IDs?"

Hinarang kami ng mga bouncers sa entrance bago pa man makalampas. It's only now that I realized that this is actually a place for adults. Masyado akong naging okupado sa ibang bagay para alalahanin pa ang tungkol dito.

"Come on, we're eighteen!" Maxine tried to play it cool but the bouncer didn't look convinced.

Hindi naalis ang halukipkip ng bantay at nakaabang pa rin sa hinihinging ID. Now, how are we gonna get in when we're minors? Halos lahat kami ay puro underage dahil either sixteen o seventeen pa lang. Akala ko naman ay walang magiging anumang problema dahil mukhang suki sa ganito ang mga kasama. Napairap si Maxine sa bouncer bago bumaling sakin. She turned to me just right on time as if she saw this coming.

Now a confident curve was back on her lips as she held me by my shoulders to pull forward as if I was the ID they needed.

"Kasama namin anak ni Congressman Tuazon oh! Tell that to your manager!" she uttered with such dominance in her voice.

Napanganga ko sa narinig. "Hey—"

I was even more taken aback by how things actually worked out. Mukhang may sasabihin pa sana ang hindi mapaamong Bouncer na kaharap namin nang pigilan ito ng katabi. May binulong ito sa kanya bago tumagal ang tingin nito sa amin. May kinausap sa loob ang kasama nila bago muling lumabas at may sinenyas.

My jaw dropped when the Bouncer with a straight face eventually gave way.

"Finally!" naghiyawan ang mga kasama ko. They were ecstatic as they screeched on their way in.

Di tulad kanina na animo'y linta kung makakapit sakin sila Fiona ay mabilis pa sa alas-kwatro ang pagbitaw nila ngayon. Halos magkandarapa ang mga ito papasok. Muntik pa kong maiwan sa pagkatulala matapos ang nangyari.

"Take the best spot and order anything you want!" ani Maxine sa kabila ng dumadagundong na music sa loob. "Anything! Right, Solace?"

She turned to me then winked. Hindi ko alam kung bakit ako ang tinatanong niya. Of course they have the freedom to choose whatever they want. I nodded in confusion. They all cheered in return.

"Dance floor lang kami!" paalam nung blonde na kasama namin.

Tulad ng sinabi ni Maxine ay maganda nga ang pwesto namin. The table was top-notch and the couch is very spacious. Pang-VIP.

"Damn. Tanaw na tanaw sila rito," Fiona mumbled as soon as we're settled on our seats.

Sinundan ko ang tingin niya. My gaze landed on the same group of people we saw at the entrance. Ngayon ko lang napansing naroon din si Calcifer. The rest of the guys they're with were unfamiliar though. Sigurado akong hindi iyong mga kaibigan nila sa Calle Nueva. May dalawang babae rin na hindi ko kilala. Mukhang girlfriend nung ibang lalaki base sa pagkakadikit ng katawan.

"Sino kayang maswerteng iuuwi ni Davion tonight?" I heard the girls beside me chuckling not long after.

Kumunot ang noo ko at muling binalik ang tingin sa malayong lamesa. Davion was quietly eyeing the dancefloor as he sip on his drink. Si Calcifer ay hindi naman maalis ang ngisi habang may kausap.

May kung anong bulong-bulungan sa tabi ko bago biglang tumayo si Fiona. Lumipat sa kanya ang tingin ko at litong napaawang ang bibig.

"As if I'd let this chance slip away," aniya bago taas-noong nagmartsa paalis sa lamesa namin.

Maxine and the others yelled in amusement. They even cheered for her as she walk towards the table I've been glimpsing on earlier. Wala kong maintindihan sa nangyayari. My brows can't help but furrow as I get lost in the scene. Kung hindi pa dumating ang server ng drinks ay hindi mapupukaw ang atensyon ko.

FidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon