33rd

5.1K 276 68
                                    

Sa taas lang ang tingin, Solace



Kahit matagal na ang nakalipas matapos ang halik na iyon ay hindi pa rin mabura sa isipan ko ang nangyari. Davion's already starting his post-grad studies and I'm already processing my academy application but the kiss is still fresh in my memory.

I don't know what got into but I just really want to have a feel of his lips against mine at that very moment. I didn't know that the contact would be so much for me to the point that I almost lost my senses. But when I was just about to pull away, Davion's hand already slowly found its way to my nape.

Hindi ko alam ang gagawin nang maramdaman ang init ng palad niya sa batok ko! Ni hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. How he seems so calm and composed with his warm hand behind my neck is a mystery to me. Habang ako'y halos mawala na sa ulirat. Lalo na nang gumalaw ang labi niya! Nanigas lang ako na parang tuod buong oras.

Seeing his reaction when he eventually pulled away was a horror to me. I was too embarrassed to even look at him in the eye. Sa gilid ng mata ay pansin ko ang hindi maburang ngiti sa labi niya.

"Your lips are shaking.." I can tell that he was undeniably smiling without even looking! Halata sa pagkakasabi niya. Halos umusok ang mukha ko. "It's okay.."

He even pulled my head towards his chest and caress my hair. Nakangiti pa rin! Ewan ko ba pero kahit hindi ko tignan ay alam kong nakangiti siya na parang timang! He's enjoying this! He obviously finds it amusing! Habang ako ay gusto na lang maglaho! Nagawa niya pang dampian ng halik ang noo ko habang hiyang-hiya ako! Ngiting-ngiti pa rin siya! Kainis!

Namula ang mukha ko habang nakaharap sa salamin ng fitting room. I'm thinking about it again! Pinilig ko ang ulo.

Pinasadahan ko ng tingin ang sariling repleksyon. This one's quite revealing. Kinuha ko ang isang ito dahil nagustuhan ko ang kulay. I was about to step out to show it to Davion but I halted. Napasecond look ako sa side view ng damit.

Medyo maluwag pala ang bust area. I've always been contented with my boob size but this dress makes me think that my chest is actually smaller than the standard. Uminit ang mukha ko sa iniisip. Bago ko pa mamalayan ay hinuhubad ko na ang damit. I'd rather not show this to Davion. I've seen how curvy all the girls he used to go out with. Baka tawanan niya lang ako. Just thinking about it flustered me! What the hell is wrong with me?

I quickly changed into the next pair I got. It's a more conservative stylish coordinates— something I normally go for. It was totally my style. This time, I didn't have to stare too long on my reflection before going out.

Paglabas ko ay naabutan ko si Davion na mukhang bored na bored na habang nakaupo't naghihintay. Hindi ko naman siya masisisi. I've lost count of the number of boutiques we've been to today. Tapos siya ay wala namang ibang ginawa kundi mag-intay kaya't hindi ko siya masisisi kung natutulala na lang siya sa malayo tuwing inaabangan ako. Tulad na lang ngayon. He even looks sleepy.

"Hey.." I had to call his attention for him to notice my presence. Lumapit na kasi ko't lahat at hindi niya pa rin naramdaman.

Saglit na kumislap ang malamlam niyang mga mata nang sa wakas ay makita ako. He habitually reached for my hand.

"How's this?" tukoy ko sa suot. Lalayo pa sana ko para maipakita iyon nang maayos ngunit dahil ayaw niyang bitawan ang kamay ko ay nanatili akong malapit sa kanya.

Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko habang nakaupo. He was holding my hand like a kid na gusto nang umuwi. Pumungay ang mga mata niya habang nakatitig sa damit ko.

FidelityKde žijí příběhy. Začni objevovat