21st

5K 268 170
                                    

Body guard



Hindi ko inaakalang magkakaroon ako ng bagong kaibigan sa ikatlong taon ko sa kolehiyo. Let alone, someone from a different course and year level. Nursing, second year.

"Raya, I told you naman kasi. You should have taken this elective with me. Eh di sana magkaklase tayo here," I blabbered while talking to her on the phone.

Siya iyong madalas kong maging karibal sa highest score sa PhilArts last year kaya't hindi ko inaakalang magiging malapit kami sa isa't isa. Well, wala naman akong magagawa. Obvious naman kasing gusto niya 'kong maging kaibigan noon pa lang. Una pa lang talaga ay halata ko na.

"Ano naman kasing gagawin ko sa French class? Hindi naman ako tulad mo na kada bakasyon ay nangingibang bansa,"

Napairap ako sa karaniwang tono niya.

Raya is different from the rest. She didn't grow up in the city so she didn't know me as Solace: The daughter of the Congressman. Nakilala niya lang ako bilang ako. That may be the reason why I felt a different level of comfort around her.

"Duh, I can bring you with me naman anytime. Of course bebentahan kita ng ticket. Akala mo ba libre? Asa ka!" Syempre it's not free no! I can sell it to her for... let's say, pesos. Wait, is that too mura? siguro?

"Ewan ko sayo, Solace. Problemahin mo yang driving skills mo. Kung may elective class lang for driving lessons, dapat yun tinetake mo eh. Tapos mga limang retake siguro kulang pa sayo kasi lagi kang bagsak,"

Kung mang-asar ang isang to ay parang hindi ako mas matanda ng isang taon sa kanya ha! Ewan ko ba rito. She has that tendency to sound more mature than her age. Para bang hinubog na siya ng panahon. Sa aming dalawa ay ako pa ang mas madalas niyang mapagsabihan.

Marami man kaming pagkakaiba, I eventually learned to live with those differences. Natutunan kong tanggapin ang cheap taste niya sa everything, ang no-make up look niya everyday, at ang pagiging killjoy niya most of the time. Ang panget kabonding! Pano ba naman kasi? Hindi nga nakikipagbonding sakin in the first place!

The thing with Raya is that she's always very busy. Kaliwa't kanan ang part time jobs niya isama pa ang ibang responsibilidad niya sa buhay kaya halos hindi rin kami nagkakasama nang matagal. If I were being honest, there were hundreds of times I thought of calling her for all the selfish reasons, like to go shopping or hang around doing nothing at all. But I know her enough not to do as I please.

Gaya na lang ngayon. Pag-uwing pag-uwi pa lang ay buryong buryo na agad ako sa bahay. Malapit na 'kong magfourth year pero parang wala pa rin akong direksyon sa buhay. Natutulala na lang sa phone habang nagsoscroll sa contacts.

I eventually found myself clicking Davion's name.

Solasta Aicelle:
Pasama sa mall

Pagkapindot ko ng send button ay nakarinig ako ng katok sa pinto. The head maid revealed herself, not long after.

"Pinapaalala ng Mommy mo ang tungkol sa pagdating ng personal body guard mo mamaya.. She wants me to make sure you're here when he arrives so you'll get to meet him,"

Halos mapabuntong-hininga ako sa narinig. This is what I hate about the election season. Everyone's making a fuss at home. Delikado raw kasi kaya't kailangang magdoble ingat.

Naintindihan ko naman. Tatakbo si Daddy kaya't kailangan namin ng proteksyon. Minsan lang ay pakiramdam ko nasosobrahan. They even hired a personal maid for me! Para daw tuwing may bibilhin o aasikasuhin sa public places ay hindi na ako ang makikipagtransact. I had her accompany me at the salon yesterday and it already feels weird.

FidelityWhere stories live. Discover now