25th

6.1K 340 199
                                    

Walang karapatan



Davion's avoiding me. Hindi ko alam kung bakit pero ilang araw na siyang walang paramdam.

"Huh? Iniiwasan ka talaga? Hindi ba pwedeng abala lang sa ibang bagay?" Raya countered my thoughts over the phone.

"Well, 'yan siguro ang iisipin ko if only he hasn't been acting weird but he is!" I swear! He literally can't even look at me in the eye! "Sa school! Tuwing tinatawag ko, biglang ba namang kinakausap si Adea kahit may ibang kausap yung tao? Pag-uwian naman, nag-aayos pa lang ako ng gamit, paglingon ko, wala na agad siya!"

I feel bad for ranting during the only moment that we get to talk this week. Ngayong nasa ibang bansa na si Raya ay binira na lamang kaming makapag-usap. Everyday, I have to fight the strong urge to just fly abroad and visit her! I miss her so much but at the same time, I'm delighted that she finally get to pursue what she had really wanted since she was a kid. Minsan, hindi ko lang din maiwasang mainggit.

"Ano ba kasing nangyari? May nangyari ba? Hindi naman siguro yun magkakaganon nang walang dahilan,"

Sa sinabi niya ay natahimik ako. Nagsimula lang naman ito matapos ang nangyari sa bahay nila Davion. Nung nag-walkout siya. The day he called me over just to try his baked cookies. Habang binabalikan ang nangyari nung araw na yon ay hindi ko maiwasang manlumo nang mapagtanto kung bakit niya ko iniiwasan.

Hindi ako pwedeng magkamali. Galit siya sakin. He's mad because I took his phone while he was in the middle of a game. That must be it. Sigurado ako.

If there's one thing that Davion hates the most, yun ay ang ginugulo siya kapag naglalaro. Miski sa mga naging babae niya ay yun ang non-negotiable niya. If the girl can't let him play in peace, then he can't be with her. Magbiro ka na sa lasing wag lang kay Davion na busy sa gaming.

Sa mga sumunod na araw ay sinubukan kong contactin siya. Fine! Kung yun ang kinakasama ng loob niya ay magsosorry ako para sa pang-iistorbo sa laro niya. Pero mabuti nang magkalinawan kami na may kasalanan din naman siya! Hindi ko naman kasi biglang aagawin ang telepono niya kung hindi ako napuno sa pinaggagagawa niya!

But his lack of response on my texts and calls over the weekend started to worry me. Hindi ko na maiwasang mag-alala. Mamaya ay kung ano nang nangyari sa isang yun.

I eventually found myself reaching out to his closest circle— his neighbors.

"Hello, Solace?" Calcifer's familiar voice welcomed me from the other line.

"Hey, Cal, nasa Calle Nueva ka ba?"

"Yeah, why?"

"Hindi ko kasi macontact si Davion, ilang araw na. Buhay pa ba?"

He chuckled. "Humihinga pa naman, di lang makausap. Anyare ba ron? Ang seryoso palagi eh.. o di kaya nakatulala... Parang laging mananapak,"

"What?" napaawang ang labi ko. "Is he okay though? Andyan ba siya?"

"Teka, tignan ko sa kanila.." he held me on standby for a while. Dinig ko ang mistulang paglabas niya sa bahay nila. Natigilan pa ko nang bigla siyang may itinanong habang tila naglalakad.

"Kumusta pala?" he randomly asked.

"Ayos lang naman.." I casually answered.

"Hindi ikaw," he paused. "Si ano.."

"Huh? Sino?"

He sighed. "Wala,"

I also overheard Cal conversing with maids and guards in the background. Nakaabang lamang ako hanggang sa tuluyan siyang makarating kina Davion. Maya-maya ay muli nang luminaw ang tinig mula sa kabilang linya.

FidelityWhere stories live. Discover now