40th

4K 280 134
  • इन्हें समर्पित: poetic__pen
                                    

3801



Isang low-end hotel na lang ang may available na room malapit sa papasukan ko sa London. Ang ilang high-end na may bakante pa sana ay malayo na at hindi walking distance. Minabuti ko nang piliin na lamang ito lalo pa't nangangalawang na naman ang driving skills ko.

My parents weren't happy of my choice, though. They insisted on sending a driver with me so I could just stay in a better hotel no matter how far. Pero syempre ay tumanggi ako. If I know, gusto lang nilang magpadala ng tauhan na sasama sakin para may nagrereport sa kanila ng bawat galaw ko.

There's no way I'd let them. I've already made it clear with myself that I want to have a fresh start from everything. Hindi magiging madali pero kakayanin. Kailangan ko lang matutong magsakripisyo at maging handa sa anumang obstacle along the way.

Bukod sa nasa main entrance ay wala na kong naabutang guwardiya sa Building 3 kung nasaan ang mismong unit ko. But a bellboy opened the glass door for me when he saw me coming in.

"Thank you," wika ko nang tulungan niya na rin ako sa mga bagahe ko. "I'm in unit 3811."

From what I know, 11th room iyon sa 8th floor nitong building 3. Buong akala ko ay mag-isa kong iaakyat ang mga dala roon kaya't laking pasasalamat ko na hindi naman pala. Kahit kasi may elevator ay medyo mabigat ang luggage ko kaya't hirap ako.

Akala ko ay kailangan ko pang gumamit ng google translate dahil saglit pang napatunganga ang bellboy sa sinabi ko. But he eventually lead the way so I sighed in relief.

Habang nagaantay sa elevator ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Raya.

"Ano, andyan ka na?"

"Yeah," tipid na sagot ko nang bumukas na ang elevator. Bumaba ang mistulang mag-asawang nasa mid-40s na sakay noon saka kami pumasok. The bellboy pressed the button for 8th floor when we got in.

"Parang budget condo lang na apartment style," dugtong ko sa kabilang linya. Sumulyap sakin ang katabi gaya ng kung paano ako saglit na napapalingon tuwing nakakarinig ng foreign language.

Raya chuckled. "Ang arte mo,"

"Pero in fairness sa 3-star hotel ah, may bellboy. 'Di mo kaya. Kinabog ang Okada," I playfully said.

Humalakhak si Raya. "May attendants din naman sa Okada ah?"

"Hindi naman mukhang mabango,"

"Ah, so mukhang mabango yan?" Raya asked with humor in her voice.

"Oo." Ganito pala kapag nakakapagsalita ka ng lenggwaheng hindi naiintindihan ng kasama mo. Pakiramdam ko, ang powerful ko.

"Akala ko ba ayaw mo ng London boy?"

"Hindi naman 'to London boy. Mukhang Italiano si Kuya. Halata sa itsura," wika ko habang ninanakawan ng tingin ang repleksyon ng katabi. He wasn't looking anyway.

"Siraulo. Baka marinig ka nyan," halakhak niya.

I rolled my eyes. "As if naman maiintindihan ako,"

I can imagine her shaking her head. "Ewan ko sayo. Kakarating mo lang kung anu-ano agad inaatupag mo. Pag-aaral ba pinunta mo dyan o kalandian?"

"Pinagsasabi mo dyan? Sinabi ko bang type ko, teh? May itsura lang pero hindi ko type!"

"Sige, sabi mo eh." she mocked. I rolled my eyes as we bid each other goodbye.

Nakarating na rin naman kami sa wastong palapag. Paulit-ulit ang pasasalamat ko kay Kuya habang binubuhat niya ang mga gamit ko sa unit. Tahimik lang siya kaya't natigilan ako noong magsalita ito matapos kong muling magpasalamat nang ilapag niya na ang huling bagahe. There was a small smile on his lips.

Fidelityजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें