41st

4K 288 175
                                    

Pamilya lang



Confirmed. Residente nga rin siya rito. Imbes na mastress sa nalaman ay parang wala naman nang kaso sakin. Medyo nag-fade na rin naman ang kahihiyan na naramdaman ko tutal ay nakapag-sorry na ako at mukhang wala naman sa kaniya iyon.

Nagkasalubong pa nga kami sa lobby kinaumagahan at nagbatian. Pababa ako para kuhanin ang pinadeliver ko. Mahigpit kasi ang security kaya't hanggang main entrance lang ang deliveries.

"Ano, dinner mamaya?" aniya.

I love how casual and easygoing he is. Na para bang ang tagal na naming magkakilala. Halatang sanay siya sa tao at magaling makisama. Napangiti ako.

"Sige, pag-uwi ko." Since I still don't know what time that'll be, he told me to just knock on his door whenever that is.

May mga aasikasuhin kasi ako mamaya kaya paalis rin ako pagkatapos mag-almusal. On the other hand, it looks like he just got back from a jog.

Inuna kong pumunta sa Fashion School para sa mga forms na kailangan ng wet signature ko. It was my first time seeing the campus in actual. Sinamantala ko na rin ang pagkakataon para libutin ito. Doon na rin ako inabutan ng gutom kaya't nag-late lunch ako sa cafeteria bandang alas-dos para masubukan ang mga pagkain.

Gaya ng plano ay dumiretso rin ako sa pinakamalapit na homeware shop para mamili ng mga kailangan ko. It was almost 7PM when I got back in the apartment.

Pumili muna ko ng ipapalit na damit bago nag-quick shower. I'm not sure where we are eating but I don't think I'd be overdressed for any place here anyway, so I'd just go with whatever I feel like wearing. Pink tweed coordinates ang inilabas ko mula sa closet. I also got my white ankle boots ready.

Naghair-dry na rin ako bago naglagay ng light make-up. I finished the look with a white sponge headband and a pair of simple silver earrings.

Binaybay ko ang hallway ng 8th floor hanggang makarating sa dulo. Siniguro kong tama ang unit number na nakalagay sa pinto bago kumatok. But the door suddenly opened before I could even knock.

Nagulat pa ko nang bumukas ang pinto at hindi pamilyar na lalaki ang sumalubong sakin. He's just as buff but it wasn't the same guy. Mukha pa itong nagmamadali habang nagsusuot ng leather jacket. I heard a whistle as he deliberately scan me from head to toe.

"Yes, Miss? How can I help you?" he confidently asked with a smug look.

I had to double check the note I had. Tama namang 3801. Muling umangat ang tingin ko.

"Uh— I'm here for..."

That's when it hit me. I didn't get the guy's name! Uminit ang mukha ko.

Umangat ang kilay ng kaharap ko. "For?"

"Who's that?" I heard a familiar voice coming from the inside. Nabuhayan ako sa narinig. It's him! Tumingkayad pa ko para sumilip sa loob ngunit masyadong matangkad itong nasa harap ko.

"Him! I'm here for him!" I eagerly said. He's starting to give me a suspicious look so I'm desperate to let him know that I'm really here for someone.

He looks amused. Humalukipkip siya. "Who's him?"

Natameme ako. Napangisi siya. He's enjoying this!

"You don't know who you're here for?" nanunuyang tanong niya pa kahit obvious naman na ang sagot.

My cheeks heated. I heard footsteps nearing the doorway.

"Theo, who's—"

Nanlaki ang mata ko nang magtama ang tingin namin ng ipinunta ko rito. Halos hindi pa rumehistro sakin na wala siyang pang-itaas at saka pa lamang sinuot ang puting t-shirt na hawak.

FidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon