11th

5.1K 286 121
                                    

Leave



The breakfast at home is what I missed the most here. Iyon ang napagtanto ko habang sinusubo ang pancake na specialty ni Yaya Dina. Ewan ko ba kung anong meron dito. Hindi naman kasing fancy ng mga sineserve sa iba't ibang lugar na nakainan ko. Pero swak na swak sa panlasa ko.

"Sus! Nambola ka pa," aniya habang sinasalinan ng fresh milk ang baso sa bed tray. "Ang sabihin mo, na-miss mo lang ang feeling ng pinagsisilbihan. Balita ko, bawal ang katulong doon sa tinuluyan ninyo sa Canada, hindi ba? Aba, buti kinaya mo!"

It's true that maids weren't allowed in the place I stayed at for three months. Mayroong cook at nag-aasikaso ng laundry ngunit hanggang doon lang. Other errands, be it personal or not, are left on us. Hindi ko maiwasang ikumpara ang buhay ko roon sa rito. Mula sa paggising pa lang sa umaga ay ibang-iba na.

The loud banging alarm clock is what wakes me up in Canada while it's the maid's gentle call and knocks on my bedroom door here in the Philippines. Namiss ko rin ang pink na kisame ng kwarto ko na siyang sumasalubong sakin sa tuwing inaangat ang eye mask.

Here, I can take my time in the morning, staring into nothingness or the sun rays against the curtains. I also have the liberty to have my breakfast in bed, just like what I'm doing right now. Masyadong malayo ang agwat ng ginhawa na natatamasa ko rito sa Pilipinas kumpara sa pananatili ko sa Canada.

"Wag ka mag-alala, balik buhay-prinsesa ka na ulit ngayon.." ani Yaya Dina nang magkwento ako.

Caloy ang pangalan ng bagong Driver na kinuha nila Mommy. Yun ang pakilala niya nang tanungin ko habang on the way kami sa school.

"Did you drive my Mom sa firm kanina, Kuya?" tanong ko dahil parehong hindi na naabutan ang mga magulang sa bahay paggising. Even my sister left early.

"Hindi po, Ma'am. Ang naghatid sa kanila ng Daddy mo ay Si Mang Efren," tukoy nito sa isa pang driver. "May flag raising ceremony sa city hall kaya't kailangang umalis nang maaga nila Sir. Sumabay na rin ang Ate mo dahil may group practice pa raw sa school,"

I can't believe they didn't even wait for me. Para namang hindi ako nanggaling sa ibang bansa. Not that I'm throwing a fit but it annoys me that the three of them left together without me. Ni hindi na nga nila ko nakausap nang matagal kagabi pagdating ko sa bahay dahil late na rin.

Mang Caloy dropped me off sa gate ng UA&P. Naglalakad na ko sa school grounds nang magawi ang tingin sa parking space. I caught a sight of Davion getting off from his car.

"Davion!" my face lit up as I called his name.

Matapos kong ibigay ang pasalubong sa kanya kagabi ay hindi rin nagtagal at umuwi na ako. Paano ba naman kasi ay sinundo na mismo ako ni Mang Caloy sa loob ng bar. Manginignig pa ito sa takot nang bigla akong kalabitin para sabihing baka mapagalitan na raw kami ni Mommy.

Sa sobrang ingay sa dance floor ay hindi na ko nakapagpaalam nang maayos kay Davion. Ni wala na nga rin akong naintindihan sa huling usapan namin. I just waved him goodbye and signalled him that I have to go.

Hindi na ko nagdalawang isip na lapitan siya sa parking. His expression shifted upon seeing me. Para bang pagod na siya agad habang tamad na sinasara ang pinto ng sasakyan.

Sumagi ang mata ko sa katabing sasakyan at nakita ang pagbaba roon ni Calcifer pati na ng ibang kaibigan nila. Nagliwanag ang mukha ko.

"Cal's here too! Sakto, I have pasalubong for him din!" I turned to Davion. "Yung sayo, kumusta? Did you try the chocolates na?"

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ngunit tila napangiwi sya nang bahagya.

"Calcifer," ani Davion imbes na balingan ako. Sinenyasan niya si Cal na lumapit nang lumingon ito sa kanya. "Oh, si Solace. May pasalubong daw sayo,"

FidelityWhere stories live. Discover now