Prologue (WICKED)

1.4K 18 21
                                    

TREMBLING. SCARED. DOUBTFUL.

I'm half-awake after the constant dream that disturbed my sound sleep. Paulit-ulit na panaginip na kapag nandoon na sa pinakadulo ay magigising ako, saka matutulala, at maguguluhan.

A very constant dream and until now... ay hindi ko pa rin makita kung sino nga ba ang lalaking kasama ko sa panaginip na iyon. Hanggang ngayon ay nagtataka talaga ako at bakit palaging gano'n ang panaginip ko. Panaginip na hindi ko na tanda kung kailan ba nagsimula.

Kailan nga ba?

Napapikit ako alalahanin kung kailan. Nagsimula iyon noong gabi na mangyari ang pinakamasaklap na bahagi ng buhay ko bilang isang babae. Masaklap at magulo kaya hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sino ba ang lalaking nasa panaginip ko, na kasama ko.

Siya rin kaya iyong lalaki na nakasama ko sa realidad? Ang lalaking bumili sa akin noon?

"You're awake..." Adyell pulled me closer to him.

"Yeah..." mahina ang boses na sagot ko, "some dream."

Umikot ako paharap kay Adyell at isiniksik ang mukha ko sa pagitan ng leeg at braso niya. Pinaunan niya sa akin ang kaniyang braso at niyakap ako. Mahigpit. Madamdamin. Masuyo.

"Did your dream scare you?" he asked me. Adyell's voice sounded concerned as his hand caressed my back and shoulders.

Tumango lang ako. Humigpit ang yakap ko sa kaniya. Hindi siya umimik at naramdaman ko ang mga daliri niya sa ibabaw ng ulo ko, hinahaplos ang buhok ko, hanggang sa paglaruin na niya ang mga daliri niya roon as he brushed my hair using his fingers.

"I love your hair like this," he told me at natigilan ako. Napaisip sa kung ano ang implikasyon ng sinabi niya.

"Why?" nagtataka na napatingala ako sa kaniya. "You don't like my hair before?" tanong ko.

"I did, but wavy hair suits you better." He gave me a peck kiss on the tip of my nose.

I smiled shyly, and while looking at his lips, I remembered how it always gave me wonderment when he used that to me every time I was under his spell, as if... he had control over my being.

"I love you." His fingers are now touching my neck, and his hand is cupping my head so I can raise my gaze at him.

My eyes looked at him sternly as he obviously waiting for my reply. He always said that to me, and I believe him but... but do I really love him?

"I love you too..." I replied. I needed to say the words even though I doubted myself.

Nagdududa ako sa sarili ko dahil hindi ko man siya kilala sa tunay na kahulugan ng salita ay alam ko na sa puso ko ay iyon ang sagot.

Mahal ko siya... Sa anim na buwan mula nang magtiwala ako sa sinabi niya, ay alam ko, ramdam ko, na hindi man siya kilala ng isip ko pero kinikilala siya ng damdamin ko, at maging ng katawan ko na sa bawat simpleng pagdikit ng balat niya sa akin ay nagiging dahilan para makaramdam ako ng pagnanasa na hindi ko naman nararamdaman sa iba.

Lust. Akala ko noong una ay ito lang ang nararamdaman ko pero hindi lang pala pagnanasa dahil kalaunan ay nahulog ako sa mga kabutihan niya sa akin. Ang pagnanasa noong una ay napalitan ng pagmamahal, na kahit alam kong hindi ko dapat maramdaman ay hindi ko nagawang pigilan ang puso ko. Nahulog na ako nang tuluyan at kabaliwan mang masasabi ang ginagawa ko ay wala na akong pakialam.

"Why are you sad saying you love me too?"

I shrugged my shoulders and positioned myself on top of him. "It's because my mind still cannot recognize you, but I mean it. My heart can't deny it. And even my body agreed with me."

Wicked GamesWhere stories live. Discover now