Chapter 3 (AWAKE)

394 8 0
                                    

FASTER.

Yes, I need to run faster...

The only thing I know simula pa kanina ay ang dapat tumakbo ako nang mas mabilis pa para hindi ako maabutan ng lalaking 'yon. I am scared of him and afraid on what will happen to me kapag naabutan niya ako.

Masaya kaming nag-uusap ng mga magulang ko nang biglang may dumating na lalaki, at natakot ako sa kaniya kahit hindi ko alam kung bakit. Napatingin ako sa mga magulang ko at umiiling sila na lumuluha. Mabilis akong tumayo mula sa stool na inuupuan ko at niyaya silang tumakbo palabas ng bahay namin.

Tumakbo na ako palabas at iniisip na nakasunod sila sa akin hanggang sa may dalawang putok akong narinig na rason para mapahinto ako sa pagtakbo. Nanginginig akong lumingon.

Wala ang mga magulang ko sa likod ko!

Mama? Papa?

Tumulo ang luha ko kasabay ang pagbalot ng kilabot sa puso ko.

May isang putok pa ng baril ang sunod kong narinig at napatakip ang mga kamay ko sa tainga ko... takot na takot ako. Tiningnan ko ang tatakbuhin ko na daan pero...

Kadiliman!

Iyon ang tanging sumalubong sa akin... madilim na paligid! Nakakatakot na dilim na para akong lalamunin, na parang hindi ko na mahahanap ang daan pabalik sa liwanag kapag lumukob na iyon sa pagkatao ko.

"Max, baby... where are you?"

Napalingon ako para hanapin kung nasaan ang taong tumatawag sa pangalan ko. Siya rin ba iyon? Iyong tao na biglang dumating sa bahay? Iyong nagpaputok ng baril?

"Max!!!"

Diyos ko!

Bakit niya ako tinatawag?

At bakit sobrang dilim at hindi ko na alam paano ako hahakbang?

Dahan-dahan akong umupo at inunat ang mga braso ko para simulan ang paggapang... natatakot ako pero hindi naman pwedeng hintayin ko na lang ang kamatayan ko. Tatakas ako at doon ako magaling, 'di ba?

Parang pusa na gumapang ako nang walang ingay... Dahan-dahan lang ako sa paggapang para siguradong wala akong malikha na kahit anong tunog mula sa mga dahon at sanga na nakakapa ko.

Mga dahon, sanga, at mga bato... Ang lahat ng nakakapa ko ay mamasa-masa pati na ang lupa. Umulan ba kanina? Oo yata... Umulan yata ang langit para damayan ako o baka para pahirapan ako...

Malayo na ang nagagapang ko at wala na akong naririnig na tumatawag sa akin. Inangat ko ang paningin ko dahil may nabanaag akong liwanag, at dahil sa naririnig kong tunog ng tubig na dumadaloy ay nagkaroon ako ng pag-asa.

Ang ilog iyon!

May ilog sa malapit sa amin at may naisip ko... Doon ako pupunta at kabisado ko ang paligid ng ilog, marami akong mapagtataguan na puno roon. Malalaking puno na magkukubli sa akin hanggang magliwanag.

Mabilis akong tumayo para makatakbo palayo sa taong alam kong naghahanap pa rin sa akin. Hindi palibhasa wala na akong naririnig ay iisipin kong umalis na siya. Ramdam kong hinahanap niya pa rin ako. Kailangan kong makalayo!

Takot na takot akong tumakbo na walang lingon-lingon. Huminto ako saglit at kinakabahan man ay napilitan akong lumingon dahil gusto kong malaman kung nakalayo na ba ako sa bahay, pero ang bulto ng lalaki ang nakita kong tumatakbo patungo sa akin. Sa takot ko ay muli akong kumaripas ng takbo palayo sa kaniya at ginawang panlinlang ang mga matatayog na puno sa paligid.

Mga puno?! Tama! May mga puno kasi malapit na ako sa ilog na sinasabi ko.

Nang makita ko ang isang malaking puno ay mabiis akong tumago sa likod niyon para magpahinga at napapagod na ako. Nanginginig na ako sa kaba...

Wicked GamesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz