Chapter 5 (LOCK)

331 7 0
                                    


INITIAL?

I smiled sweetly at what Linda stated. What a stupid reason na akala nito at ni Michelle ay bibilhin ko.

Tumingin ako kay Adyell. "Hear that?" I asked him with a smile at kunwari ay excited na tumayo para umalis sa pagpapakalong sa kaniya.

"Choose any ring you like, hon." Tumayo rin si Adyell at nilapitan ako. Hinawakan niya ang kamay ko at kukuha sana ng ibang singsing para ipasukat sa akin pero umiling ako at iniabot sa kaniya ang may letrang M.

"I like that one," nakangiti kong sabi at nilingon pa si Linda na makikita ang ngiting tagumpay sa mga labi niya.

"Kahit lahat ng singsing d'yan sa box kung gusto mo ay bibilhin ko." Adyell told me, halata na hindi rin natuwa kanina sa sinabi ni Linda, pero walang magawa dahil ipinipilit ko ang singsing na hawak niya ngayon.

"I choose that one," kulit ko sabay nguso ng singsing na nasa kamay niya.

"Are you sure?" Adyell asked me with his eyes staring at me intently. Nasa mga mata niya ang pag-aalangan. And I love what I saw in his eyes. His concern and love... worry and guilt.

"Yes," I answered.

Tinitigan ko ang asawa kong nasa mga mata ang ayaw magpahalata na naiinis talaga kay Linda. I smiled at him telling him I'm fine.

Nilingon ko si Linda. Hindi ko siya kilala maging ang lahat ng mga tao na nakakasalamuha ko dahil kay Adyell. Kahit nga ang asawa ko pang naturingan ay hindi ko rin talaga kilala. Nakakatabi ko man si Adyell sa kama at gabi-gabing kasiping, pero hindi ko rin tunay na kilala, sa totoong kahulugan ng salita.

Pero bagaman hindi ko kilala ang mga taong nakapaikot sa sirkulasyon namin ni Adyell, ay hindi pa rin ako tanga. At hindi ko maunawaan kung bakit nila ako pinag-iinitan...

Ano bang kasalanan ko?

Ako ang naaksidente...

Ako ang may amnesia...

Pero bakit parang sila ang nagawan ko ng masama?

Ano ba ang nangyari noon para kainisan nila ako?

Pero kung ano man ang kasalanan ko noon ay hindi ako papayag na hayaan na lang laitin nila ako at pagtawanan na lang basta-basta. I need to play the game that I am in now... at sa larong ito ay matatalo ako kung palagi na lang mukha akong kawawa at mahina.

Adyell took my right hand and was about to make me wear the ring with the M initial design when I curled my fingers to gesture that I had to change my mind.

"Wait..." I said and acted like I was thinking about something at binawi pa ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Adyell.

"Change of mind, hon?"

"Yeah... Seems the ring looks hideous and cheap for me, my love. I think it won't fit my beautiful ring finger. Let us better give it to Michelle, for her hands are ugly." I smiled at Adyell. "That ring surely suits her." I giggled.

I saw how Linda's eyes bulged and I just smiled. Ayokong magmaldita pero sa dami na nila na nambabastos sa akin ay magsisimula na akong bawasan sila. Pasensya na lang siya at sa kaniya ako nagsimula. I don't like her instantly, as I know na loyal dog siya ng amo niya.

I heard how Adyell chuckle, and he sounded proud of me. Nilingon ko si Adyell at nagsalubong ang mga tingin namin. He winked at me, and I seductively smiled at him.

"Adyell, I think you better look for another jeweler at mukhang hindi gusto ng asawa mo ang mga singsing na dala ko!"

I snickered. What a subtle outburst...

Wicked GamesWhere stories live. Discover now