Epilogue (GAMES)

586 11 10
                                    

HOPE. ASPIRATION. GOAL.

Those are the words I need to think about every day to keep me going...

Kumusta na kaya siya?

I sighed. Nami-miss ko si Adyell, but I have no right to return to him. I smiled to motivate myself for the day, and while walking, I dismissed him in my mind.

Kailangan kong makahanap ng trabaho dahil sa susunod na linggo ay tapos na ang kontrata ko sa restaurant na tinatrabahuan. Magsasara na kasi ang restaurant dahil ang lugar na nirerentahan ng may-ari ay naibenta na. Wala naman sanang problema, kasi ang sabi ng may-ari sa akin, kung gusto kong sumama sa paglipat nila sa kalapit na siyudad ay okay lang naman sa kanila.

Ang totoo ay gusto ko naman sana, para tuloy pa ang trabaho ko. Kaso hindi ko na kayang iwan pa si Hakeem. Masyadong malaki ang naging sakripisyo niya para sa akin. Ngayon na kailangan niya ako ay hindi ko na siya pwedeng balewalain pa.

I took my phone out of my pocket, ang sabi ni Kehlani, ang kasama ko sa restaurant na waitress din at naging kaibigan, ay mabait ang kausap niya na naghahanap ng trabahador. Kung magugustuhan ko pa nga raw ang trabaho sa grocery, baka sa Lunes mismo pwede na akong magsimula.

Napangiti ako sa naisip. Ngiting malungkot at muli ay naalala ko si Adyell nang makita ko ang mukha niya sa phone ko. Siya pa rin kasi ang nasa wallpaper. Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha at tumagal ang mga mata ko sa mga labi niya at muling naalala ang ilang maiinit na sandali na aming pinagdaanan noon.

I should change my wallpaper mamaya kapag nakauwi na ako. I should stop hurting myself.

After that tragic night... kung pwede lang na hindi ko siya iwan ay ginawa ko, but I can't... aside from the fact that I killed Laurent ay kailangan na ako ni Hakeem, ang asawa ko. Ang totoong asawa ko.

A phone call ended my thoughts at mabilis kong sinagot iyon nang makita ko ang pangalan ni Hakeem.

"Hello..."

"What time are you going home?" he asked me in a tone that sounded fatigued and too weak.

"I just need to talk to the employer," nakangiti na sabi ko. I trained myself na kapag kausap ko siya ay ngingiti ako para hindi malungkot ang maging tono ng boses ko. Ayoko na dagdagan pa ang lungkot niya.

"Be safe."

"I will."

"And thank you..."

"Hakeem... you don't need to say that! You know that I love you, right?" I controlled my emotion, ayokong maiyak.

Nag-usap pa kami until I ended the call and breathed heavily in and out.

Hakeem was my friend turned husband. Bago pa ako nagpanggap na si Maximiana ay asawa ko na si Hakeem. Asawa ko si Hakeem hindi dahil nagmamahalan kami sa tunay na kahulugan ng salita. Pinakasalan lang ako ni Hakeem noon para matulungan niya akong pumunta rito sa Greece at maging tagapagmana niya.

When Hakeem first told me his reasons why he wants to marry me ay ayoko sana, but he explained everything to me. Hakeem is gay pero hindi niya maipaalam sa parents niya dahil nag-iisa siyang anak.

Sa Pilipinas kami nagkakilala dahil nag-tourist visit siya noon sa bansa, at para makipagkita sa boyfriend na nakilala niya sa online dating app. I was working in a condotel as a janitress, kung saan siya nag-stay ng three months. Doon kami naging magkaibigan and he told me how frustrated he was dahil pinipilit siyang pakasal sa babaeng gusto ng parents niya para sa kaniya.

Sadly, namatay ang mga magulang ni Hakeem a year after naming nakasal. Ngayon ay si Hakeem na ang nag-iisang tagapamahala ng mga kabuhayan na naiwan sa kaniya na alam kong unti-unti na ring nauubos dahil sa sakit niya. Hakeem has AIDS, nakuha niya sa nag-iisang naging boyfriend niya dati, iyong kinatagpo niya sa Pilipinas.

Wicked GamesWhere stories live. Discover now