Chapter 1 (PARTY)

713 9 0
                                    

SOLEMNESS...

That is the word I could use to describe the whole facade of the venue where the celebration is happening. My eyes observe and admire the hotel's beauty that my wealthy husband owns.

Hinawakan ni Adyell ang kamay ko at lumakad ako pasunod sa kaniya para pumasok na sa bulwagan. My eyes roamed around the hall, at maraming bisita ang nakita kong naroroon. Mga taga alta-sociedad.

Nakikita ko ang karangyaan nilang lahat sa mga suot nilang mamahaling mga damit at kumikinang na mga alahas. Bawat isa ay ipinapakita ang sinasabi nila sa buhay. Bawat isa ay parang nagyayabang.

Habang naglalakad kami ay bumitaw ako sa kamay ni Adyell at kumapit sa braso niya. I felt nervous. Sinalakay na naman ako nang nararamdaman kong kaba at ang katanungan na nasa isip ko... tama ba ang pagsama ko sa party na ito?

Huminga ako ng malalim. Wala akong kakilala sa kanila kahit isa, at ang bagay na iyon ang isa sa mga problema ko. Magpapanggap na naman akong okay lang kahit ang totoo ay habang tumatagal ay lalo na akong nagdududa sa totoong nangyari, dalawang taon na ang lumipas.

Habang bumabati si Adyell sa mga nakakasalubong namin, ay may pinong ngiti naman sa mga labi ko. Ayokong mapahiya ang kasama ko kung mukha akong tulala na nakatingin lang at walang reaksyon.

Hinanap ng mga mata ko ang pinagmumulan ng malamyos na musika at nakita ko naman ang isang babae na nagpa-piano sa may gilid ng entablado. Ang musika na likha niya ay nagbibigay ng tunog na kaaya-aya sa paligid. Pormal ang lahat at aaminin ko na hindi ako sanay sa ganitong buhay. Dahil sa naisip ko ay nailang na naman ako as I felt that I don't deserve this kind of life.

Nang matagpuan ako ni Adyell ay nagtitinda lang ako ng mga bulaklak sa Greece. Akala ko pa noon ay hindi Pilipino si Adyell pero nang kausapin niya ako gamit ang wikang Filipino ay doon ko naisip na totoo ang sinasabi niya... na matagal na niya akong hinahanap at ako ang asawa niyang si Maximiana Andreev.

Kung paano akong napunta sa Greece ay hindi ko na gusong alalahanin pa. Ayoko nang balikan sa isip ko. Ang mahalaga nang mga oras na iyon ay natagpuan ako ng tao na pinakakailangan ko para maging malinaw sa akin ang lahat.

"Relax..." bulong sa akin ni Adyell, na hinawakan pa ang mga kamay ko na nakakapit sa braso niya. Nararamdaman niya sigurado ang kaba ko. Nang tingnan ko siya ay isang masuyong ngiti ang ibinigay niya sa akin na tinugunan ko rin ng kaparehong ngiti.

Napatitig ako sa guwapong mukha ni Adyell. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na gaya niya ang asawa ko. Kahit pa nakita ko na ang lahat ng ebidensya mula sa mga wedding pictures namin at hanggang sa marriage certificate namin, ay naiilang pa rin ako.

Adyell, at age thirty-three, is one of the young billionaires in the world. Bukod sa napakayaman, ay napakagwapo at napakatikas pa niya, kaya lalo akong naiilang na isiping isang gaya ko lang ang asawa niya. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa tulad niya.

Women are swooning over the man who called me his wife. Mula nang dumating kami ng Pilipinas ay ilang beses ko na ba siyang nakikita sa mga celebrity news dahil sa daming babae na gusto yatang maiugnay sa kaniya. Mayayamang babae at magaganda, ang karamihan ay mga sikat pang artista at modelo.

"Parang... parang natatakot ako..." amin ko kay Adyell kasabay ang paghinto ko sa paghakbang.

Natatakot talaga ako kasi wala akong kilala sa party na iyon at hindi dahil sa ano pa man. Natatakot ako kasi hindi lang minsan na nakaramdam ako nang mapanghusgang tingin mula sa mga kakilala ni Adyell at mga kaibigan.

Kung mayrroon mang mabait ang pakikitungo sa akin ay ang ama lang ni Adyell, my father-in-law, na noong makita ako sa unang pagdalaw namin ni Adyell sa mansion ng ama niya ay niyakap ako nang mahigpit.

Wicked GamesWhere stories live. Discover now