Chapter 15 (REVEAL)

359 5 0
                                    

INSANITY.

Wala na akong maisip pa na ibang masasabi sa kabaliwan ng lalaki sa harap ko. Patuloy pa rin itong tumatawa.

"Wanna see Michelle?" tanong niya sa akin.

Hindi ako makasagot pero nakaisip ako ng ideya at tumango ako. Kailangan kong lakasan ang loob ko kung hindi ay mapapahamak ako kagaya ng ibang mga biktima niya.

Kagaya ng pagkapahamak ng... kambal ko! Ang totoong si Maximiana Andreev!

Oo, hindi ako si Maximiana... kakambal lang ako ng tunay na asawa ni Adyell. Hindi ko man gustong magpanggap na si Maximiana pero... kailangan kong mahanap ang hustisya para sa kaniya na nararamdaman kong matagal ng patay. I need to know what Laurent did to her.

No one knows na may kakambal si Maximiana dahil inampon siya noong baby pa kami. Sakitin ang kambal ko at ang kumuha sa kaniya na mag-asawa ay ang dating pinagtatrabahuan ng mga magulang namin. Mga magulang ko na pinatay ng isang baliw na lalaki na pumasok sa bahay namin noon sa bukid. Ang pangyayari na paulit-ulit bumabalik sa panaginip ko pero hanggang ngayon ay hindi ko makita ang mukha ng lalaking may gawa sa amin niyon.

I was only eighteen then, sa sobrang takot ko dahil sa lalaki ay tumakbo akong palayo pero nakuha niya pa rin ako pagkatapos kong malaglag sa bangin. Nagkamalay ako na hindi alam kung anong lugar ang pinagdalhan sa akin. Inayusan ako at binihisan, and I was sold in an auction after that.

I was bought and destroyed by someone I have no idea of. Hindi ko kilala ang lalaking nakauna sa akin, kahit ang mukha niya ay hindi ko man lang nakita. Nang magising ako kinabukasan na puro pasa at galos ay nagkalat na ang pera sa paligid pero wala na ang lalaking umangkin at nagpasasa sa akin.

Ginamit ko ang pera para mahanap ko si Maximiana at nang matagpuan ko siya ay naging masaya na ako, na kahit paano ay may magandang resulta ang nangyaring kapahamakan ko.

Kung hindi ko alam na may kakambal ako at kung kanino napunta ay hindi ko rin siya matutunton. Mabuti na lang at hindi ipinagkait sa akin ang totoo ng mga magulang namin. Siguro ay gusto rin nila kasing hanapin ko si Maximiana para ihingi sila ng tawad.

Tinanggap naman ni Maximiana ako sa buhay niya. Nagkikita kami lagi noon hanggang sa malaman ng adoptive parents niya at binawalan siyang makipag-ugnayan sa akin.

Hindi doon natapos ang lahat, Maximiana did everything to communicate with me thru email dahil kapag sa social media messaging apps ay namomonitor kami. Okay ang lahat hanggang sa kailangan kong pumunta ng Greece dahil sa pansarili kong dahilan. Sa panahon na iyon ay ikakasal na rin si Maximiana sabi niya sa akin. But I know na hindi siya masaya, at natatakot siya, base sa mga kuwento niya.

Akala ko ay natatakot lang siya kasi kaka-graduate lang niya ng college, at pinagkasundo lang siya sa anak ng kaibigan ng mga umampon sa kaniya. Then she send me pictures of her wedding and I admit, the first time I saw Adyell in their wedding pictures ay parang nainggit ako kay Maximiana, na sana pinaampon na rin ako noon, na baka maganda rin ang buhay ko at hindi ako nabiktima ng rape.

Unti-unti dumalang ang padalang mga emails ni Maximiana sa akin hanggang sa wala na. Akala ko noong una ay sobrang busy ng kambal ko sa buhay may-asawa niya, na baka tumutulong siya sa mga negosyo ng mister niya, but... my assumptions changed two years ago.

Before the said accident, I received emails with cryptic messages. Minsan one phrase lang, minsan isang word lang... hanggang sa may video siyang pinadala. In that video, my twin was frantic, telling me to look for her diary dahil nandoon lahat.

My tears fell as I remembered how my twin sister nervously yet bravely told me instructions and details about her diary.

"Hush, baby..." bulong ni Laurent while looking at me with his crazy eyes. Pinahid niya pa ang mga luha ko. "Wala na si Michelle kaya huwag ka nang matakot na isusumbong niya tayo kay Adyell."

Wicked GamesWhere stories live. Discover now