Chapter 2 (KEY)

420 10 4
                                    

PEACEFULNESS.

Napangiti ako sa mapayapa kong tulog magdamag.

I smiled upon realization na umaga na pala at nagising akong wala na si Adyell sa tabi ko. Nasa opisina na niya si Adyell at hindi lang ako ginising dahil masarap ang tulog ko. That is one sweet trait of Adyell, he is very considerate of me.

Napangiti naman akong isipin ang dahilan kung bakit ako nakatulog nang maayos at hindi ako dinalaw ng panaginip kong nakakasawa na. Adyell always make efforts for me to sleep soundly and yes... a tiring night after indulging to Adyell's sexual drive made me slept perfectly with no interruption.

Thinking of what happened last night made me feel dreamy at pipikit na naman sana ang mga mata ko para pagbigyan ang sariling matulog muli, nang bigla akong bumangon at naupo. Kahit inaantok pa ang diwa ko ay kailangan kong unahin ang mga kailangan kong gawin kapag wala si Adyell dito sa bahay.

I tapped my cheeks para tuluyang mawala na ang antok ko. Hindi ko pwedeng unahin ang pagtulog. Hindi ako dapat nagpapaka-relax dahil hindi dapat masayang ang panahon na narito kami sa Pilipinas, hindi ko pa natutuklasan ang totoong nangyari two years ago kaya iyon ang dapat unahin ko. Hindi pwedeng masayang lahat ng plano ko para mahanap ang hustisya sa nangyaring aksidente 'raw' noon.

Magdadalawang buwan na kami rito sa Pilipinas at ilang beses na akong nag-obserba. Kapag umaalis si Adyell ay maghapon na siyang wala sa bahay. May oras siya ng pagtawag sa akin pero mamaya pa iyon.

Kabisado ko na ang mangyayari. Sa araw-araw basta nasa opisina si Adyell ay tatawag siya sa pagitan ng alas-nueve hanggang alas-diez ng umaga para kumustahin ako. I checked the time in the wall clock, it is quarter to eight. May isang oras mahigit pa bago ang alas-nueve kaya pwede kong gawin ang nasa isip ko.

Sinasamantala ko kasi kapag wala si Adyell, pagkakataon ko iyon para mag-ayos ng gamit sa kwarto namin. Araw-araw ko iyong ginagawa simula dumating kami ng Pilipinas. Sinasadya kong gawin dahil iniisip ko na baka sa kakaayos ko ng mga lumang gamit ay may makita akong magbibigay ideya sa akin sa nakaraan.

Bumangon na ako para pumunta sa banyo nang mapansin ko ang mga nakakalat na mga damit namin sa sahig at naisip na unahing iligpit ang mga iyon. Nang damputin ko na ang mga hinubad naming mga damit ni Adyell kagabi ay agad nag-init ang mga pisngi ko, ang mga eksenang magdamag na pinagsaluhan namin ay bumalik sa isip ko.

Pero may napapansin ako sa paulit-ulit na pagniniig namin... hindi kami gumagamit ng proteksyon kaya naisip ko na parang sinasadya siguro ni Adyell ang bagay na iyon. Baka gusto na niya akong magdalang-tao.

Kinapa ko ang tiyan ko. Paano nga kaya kung sinasadya ni Adyell na mabuntis ako? Na hindi nakapagtatakang mangyari dahil pareho kaming aktibo sa sex.

Kaya ko bang mandamay ng isang buhay sa magulong kalagayan ko? Kaya ko bang maging ina sa kalagayan ko?

Huminga ako ng malalim. Huwag naman sana. Hindi dahil ayokong magkaanak pero hindi tamang mabuntis ako. Hindi tama dahil hindi pa malinaw ang lahat sa akin. Kung magbubuntis man ako sa anak ni Adyell ay alam ko na ikakatuwa ko iyon... ikakatuwa ko pero huwag lang ngayon.

Nang damputin ko ang huling nakakalat, ang lacy red panty ko, na basta na lang itinapon kung saan ni Adyell kagabi, ay nag-init na naman ako nang makita na sira na iyon. Ilang underwear ko na ba ang nasira ni Adyell? Hindi ko na mabilang.

At dahil nag-iinit na ako ay napahawak ako sa gitna ng mga hita ko. I gently touched it, and think of playing with it.... pero bakit ko gagawin ang paglaro sa sarili? Mamayang gabi ay siguradong ilang beses na naman akong ihahatid ni Adyell sa kaluwalhatian kaya hindi ko kailangan magsarili.

Wicked GamesWhere stories live. Discover now