Chapter 12 (SENSE)

243 7 0
                                    


ALONE...

Nagising ako na mag-isa na lang sa kwarto namin. Napabalikwas ako hindi dahil sa palaging panaginip ko na nakikipaghabulan, kung hindi dahil ang nasa panaginip ko ngayon ay ang kagaya nang nakita ko si Adyell na duguan, na dahilan para matakot ako.

"Adyell..." my voice called his name pero walang sumagot. Kinakabahan akong kinapa ang switch para sa wall dimlight at agad namang nagbigay iyon ng liwanag. I grabbed my phone na nasa ibabaw ng tokador and checked the time. Eight in the evening.

Bibitawan ko na sana ang phone ko nang tumunog iyon dahil sa notification na pumasok. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na mula kay Laurent ang message. I checked it curiously and saw Adyell in the video na nakahiga habang may babaeng mahaba ang buhok na nasa ibabaw niya.

Nanlalaki ang mga mata ko na patuloy na pinapanood ang video dahil kahit may hinala na ako sa babae, ay gusto ko pa ring makasiguro. Agad ang paniningkit ng mga mata ko nang makita na tama ako, si Michelle nga na nagpapakasasa sa katawan ng asawa ko.

I downloaded the video at binura na ang message ni Laurent pagkatapos kong i-reply siya, na huwag na mag-message pa at nakabalik na si Adyell. Wala na ring sumunod na mensahe pa si Laurent sa akin. Mukhang totoo talaga ang sabi niya sa akin na we had a discreet affair before.

Ang totoo ay humahanap ako ng paraan para mapabulaanan ang sinasabi ni Laurent na relasyon namin dati. Kahit pa sinabi rin ni Michelle na inagaw ko lang si Adyell sa kaniya, ay iniisip ko pa rin na baka hindi totoo na nagawa kong pagtaksilan ang asawa ko. Maaring totoo ang sinasabi nila na dati ay kami ni Laurent at dati ay sina Adyell at Michelle ang may relasyon, but I was hoping... na sana hindi totoo ang sinasabi na nagtaksil ako sa asawa. Na sana ay hindi ko nagawa iyon. Na sana hindi totoong si Adyell ang dahilan ng aksidente.

Inayos ko na ang sarili at lalabas na sana ako ng kwarto para tingnan kung nasa kusina ba si Adyell nang makita ko ang note na iniwan niya sa may pinto at binasa iyon.

'Will buy foods and fruits for you. Will lock the doors for your safety. Don't let anyone get inside the house while I am outside.'

Mabilis gumana ang utak ko at nagmamadali akong pumunta sa bawat pinto na maaring pagdaanan ni Adyell papasok ng bahay kapag nakabalik siya nang hindi ko namamalayan.

Inisa-isa kong i-double lock. Sinisiguro ko na kung babalik siya ay kailangan niya munang mag-doorbell o tawagan ako para mapapasok ko. I need to make sure na hindi niya ako maabutan sa third-floor.

Muli kong naisip ang video na mula kay Laurent. Masama man ang loob ko ay pilit ko pa ring binura ang kung ano mang negatibong damdamin na nabubuhay dahil doon. Wala akong karapatan na sumama ang loob. Higit kanino man ay alam ko na wala akong karapatan.

Umakyat na ako sa third floor at dahil kanina ko pa dala ang susi sa pinto ng stock room ay mabilisan na ang kilos ko para buksan iyon.

Kadiliman ang bumungad sa akin kaya gamit ang ilaw mula sa phone na hawak ko ay hinanap ko ang switch. Nagulat pa ako sa mga puting tela na nakatakip sa kung ano-ano na una kong nakita kaysa sa switch.

Nasapo ko ang dibdib ko at muntik mapasigaw dahil sa nakaka-horror na itsura ng stock room. But I need to remove those supernatural thoughts na hindi naman totoo, ang kailangan ko ay makahanap ng kalinawan o ebidensya sa iba pang nangyari years ago.

Nilapitan ko na ang mga aparador na naroroon at ang mga drawers na nadadaanan. May partikular akong hinahanap kaya hindi ako dapat mag-aksaya ng panahon para sa ibang bagay. The diary. Ang diary ni—

Lampas thirty minutes na akong naroroon pero hindi ko pa rin makita ang diary na makakasagot sa lahat ng hinala ko.

I puffed out some air to release the tension I was feeling. Baka naman wala rito ang diary na 'yon? But no! Ang sabi ay nandito...

Wicked GamesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant