Chapter 13 (EXCUSE)

235 7 0
                                    


BESTIES?

Really? Best friend ko si Laurent pero ang sabi niya sa akin ay may unawaan na kami dati pa at college kami official naging magkasintahan. Someone is lying and someone is just saving face.

Hindi ako umiimik at hinihintay lang ang iba pang sasabihin ni Adyell.

"That brother of mine..." masama ang loob na pabulong na sabi niya, "naging problema siya ng pamilya, kahit ikaw na tanging kaibigan niya ay nahihirapan na intindihin siya. Dumating sa point na lumapit ka na sa akin para humingi ng tulong para maiayos ang lagay ng kaibigan mo. He was taking drugs that time. College na kayo nang lalong lumala ang pagiging drug dependent niya."

"Matagal na rin pala tayong magkakakilala kung gano'n..." pabulong kong sabi pero ang utak ko ay sa sinabi ng kapatid niya. Ang sabi ni Laurent ay noong college kami ay marami na kaming plano para sa future namin.

"Oo, anak ka ng kaibigan ni papa... Bale ninong mo si papa. Aaminin kong hindi kita gusto noong ipilit ni papa na pakasalan kita. Pakiramdam ko kasi ay bakit ako ang sasalo ng gulo na gawa ni Laurent?"

Doon ako napakunot ng noo. Anong gulo? Anong 'bakit siya ang sasalo' na sinasabi niya?

I thought na sabi niya dati ay arranged marriage kami? Na pareho rin nang sinabi ni Laurent... pero anong gulo na gawa no'ng isa ang sinasabi ni Adyell ngayon? Ito na ba ang tinutukoy ni Michelle na inagaw ko lang ang asawa ko?

"Laurent raped you the night after your graduation in college."

Nanlaki ang mga mata ko.

Raped?! I was raped?!

"Naka-drugs si Laurent at dahilan para ipa-rehab siya sa US pagkatapos nang ginawa niya sa 'yo. Doon na lang sana siya kasama ang mommy niya na reasonn kaya siya na-spoiled at lumaking siraulo. Kaso ay nagpabalik-balik pa rin ng Pilipinas ang gago. Masyadong kunsintidor ang mommy ni Laurent kaya lumaking walang respeto ang isang iyon at siya rin ang dahilan kaya lagi tayong nagugulo noon."

"He... he raped me?" Naguluhan na ako sa iba pang narinig ko pero kailangan kong maklaro ang unang nasabi ni Adyell. Napapikit ako nang muling bumalik sa isip ko ang pagkawala ng virginity ko... ang magdamag na pagpapakasasa ng isang lalaki sa katawan ko.

"Enough, Max," saway niya sa akin. "Ayoko na ipaalala pa sa iyo ang lahat. Kaya nga sabi ko ay magsimula tayong muli at baka ang panahon na ang gumagawa ng paraan para makalimutan mo ang lahat ng masasakit na alaala na nangyari noon."

"No... ituloy mo ang kwento."

"Tama na... Let's end to that information. No matter what happened ay importante natagpuan kita, at buhay ka. Kung ano man ang kulang sa pagsasama natin noon ay naniniwala ako na ngayon ay masaya na tayo at hindi na makakagulong muli si Laurent."

"Please... I need to know more, Adyell..." Now, I am crying. Naiiyak ako kasi kahit wala naman akong alam sa nangyari noon ay nayayanig pa rin ako sa nalalaman kong rebelasyon ngayon.

"Pinakasalan kita kasi buntis ka na at ayaw ni papa na ang apo niya kay Laurent ay maging bastardo. Ayoko talaga sanang pakasalan ka, Max... hindi ko matanggap na maging tagasalo ng responsibilidad ng kapatid kong walang ginawa kung hindi magpasarap sa buhay. Pero... pero noong makita kita sa araw ng kasal natin na umiiyak na humihingi ng sorry sa akin dahil alam mong napilitan lang akong pakasalan ka... doon ko naramdaman na naawa ako sa 'yo. Hindi mo rin naman kasalanan... at sa mga panahon na 'yon ay nangibabaw na sa akin ang maging responsable para sa buhay na pinagbubuntis mo, na hindi rin naman ginustong mabuo, dahil pare-pareho lang naman tayong biktima ng siraulong tatay niya."

Wicked GamesWhere stories live. Discover now