Chapter 14 (FOLLOW)

239 6 2
                                    


FINE...

If Michelle wanted to irritate me then that would be okay. Ayoko na sayangin ang natitirang oras ko para mainis pa sa kaniya. I would turrn the table. Siya ang aasarin ko ngayon.

"It's okay, hon..." sinadya ko pang lambingan ang pagbigkas ng 'hon' na ikinataas ng mga kilay ni Michelle. Ayoko ng gulo pero hindi ibig sabihin iiwanan ko siya ng alaala na hanggang sa huli ay kinawawa lang niya ang isang Maximiana Andreev.

"Oh... How sweet!" tuya ni Michelle.

"Indeed." I grinned. "FYI, you are lucky that I am letting you flirt with my husband every time we are on occasion. Michelle darling. Rest assured that I do not like to fight you because no matter what you do or say... I am Max Andreev, the only woman whom my husband loves. Adyell's only wife. At ikaw... mananatili ka lang babaeng umaasa na mapansin para madiligan. Kabit!"

I saw how Adyell smiled proudly. It seems na ako lang pala ang hinihintay niya magtanggol sa sarili ko. But I am not here to argue for petty things. Hindi ko man makalimutan ang video na may ginagawa sila, ay mas gusto ko pa ring i-enjoy ang gabi na kasama si Adyell, for I am gonna miss him. Although ang dami ko nang nalaman but I am still foolishly loving him.

"Shall we dance?" I asked Adyell. For the last time ay gusto ko siyang makasayaw. Bago ko simulan ang paglayo sa kaniya ay gusto kong sulitin ang pagkakataon.

Adyell smiled and take me to the dance floor. Agad ko siyang niyakap, mahigpit at halos ayaw ko nang bumitaw sa kaniya. Mas nakayakap lang ako sa kaniya at halos hindi gumagalaw para sa sayaw.

Ilang saglit kaming nasa gano'ng posisyon nang maramdaman ko ang paghalik ni Adyell sa kanang sentido ko.

"I love you..." bulong ko. I must leave him dahil iyon ang tama.

"Why you seem sad?" he asked.

I gulped and controlled my tears. Hindi niya ako pwedeng mahalata dahil magkakagulo kapag nalaman niya na alam ko na ang totoong nangyari dati. Natatakot ako sa maaring gawin niya.

"I am just tired," I answered and thanked God that he believed me.

CELEBRATION continued at habang nakikita kong busy si Adyell kausap ang ama ay pumuslit na ako patungo sa fire exit. Doon ako hinihintay ni Laurent. Malapit na ako roon nang harangan ako ni Michelle.

"I know where you are going..." she said maliciously at lumingon sa fire exit.

Hindi ako nakaimik. She knows!

"Laurent is waiting, you can go..." nakangiti niyang sabi. "But I hope this would be the last time na tutulungan kitang tumakas kay Adyell."

Nanlaki ang mga mata ko. Is it true? Siya ang tumulong sa pagtakas ko noon?

"Sige na, bago ka pa mahanap ni Adyell," wika niya sa akin. "Ako na ang bahala sa kaniya at sisiguraduhin kong hindi ka na niya hahanapin. Makakasama ka na kay Laurent kagaya ng plano niyo noon."

Tumango ako at mabilis na iniwan siya. Hindi ako nagpasalamat. Ayoko. Isipin ko pa lang na magiging kaniya na si Adyell ay gusto ko nang umiyak.

Kinalma ko ang sarili ko. Muli kong ipinaalala sa sarili na kahit kailan ay wala akong karapatan na mahalin si Adyell. Wala kahit katiting. That I should focus on my plan only.

Napabuga ako ng hangin at pumasok na ako sa fire exit. Agad akong hinila ni Laurent at walang salita pang namutawi sa amin, nagkatinginan lang kami at nagkaintindihan na. Mabilis na kaming bumaba ng hagdan para dumiretso sa parking lot.

Dahil tinutulungan kami ni Michelle ay alam kong makakatakas kami ni Laurent ng maayos.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Laurent nang malapit na kami sa kotse niya.

Wicked GamesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ