Chapter 10 (CRINGE)

247 8 0
                                    


AMORAL...

That is what I felt about myself... I thought of being immoral, but being amoral suits me more of what I learned.

"Kung... kung college pa lang ay tayo na pala..." naguguluhan kong simula sa gusto kong itanong kay Laurent, "bakit ako naging asawa ni Ady—ng kapatid mo?" kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya kaya hindi ko na itinuloy ang pagbanggit sa pangalan ni Adyell.

"Dahil inagaw ka niya sa akin!!!"

Doon ako napakunot-noo. Ang sabi ni Michelle ay ako ang nang-agaw kay Adyell mula rito. Ano naman ang sinasabi ni Laurent? Sino ba talaga ang nang-agaw? At sino ang naagawan?

"N-Niloko kita?" tanong ko. I need to know more. Kung nakaraan ay alanganin ako sa gagawin na pakikipagkita, ngayon ay tama pala ako.

"Hindi," umiling na tugon niya sa tanong ko. "Hindi mo ko niloko. Adyelll made his way para paboran siya ng lahat. Gumawa siya ng paraan para maikasal kayo. An arranged marriage na sino nga ba naman ang makakatangging maging manugang ang lalaki na iyon at maikonekta sa pangalan niya. Siya ang tagapagmana ni papa sa lahat ng hotel chains ng pamilya, siya pa ang sa tingin ng lahat ay responsable, dahil pati ang pwesto ko sa Andreev Group of Companies ay ginawan niya ng paraan para mawala sa akin."

Napatitig ako sa kaniya. Damang-dama ko ang sama ng loob niya sa kapatid at sa mga nangyari.

"But all what he did to me didn't matter at all, Max. Ikaw lang ang importante sa akin. Ikaw at ang magiging anak sana natin kaya tiniis ko ang lahat pero—"

"Anak?" naguguluhan ko na lalong dagdag tanong. Anak namin? Oh, God! Another revelation?

"Buntis ka noong maaksidente tayo."

Napapikit ako nang maalala ko ang mga panaginip ko. Ang pagtakbo ko nang nakayapak. Ang takot ko na maabutan. Ang pagkalaglag ko sa bangin. At ang... ang pagbagsak ko at pagkauntog sa isang malaking bato. At ang huling dumagdag sa panaginip ko... si Adyell na may hawak na kutsilyo at duguan!

Bigla ay para akong matutumba sa naramdaman kong hilo. Napakapit ako kay Laurent at inalalayan naman niya akong maupo sa kama.

"Was that a real accident?" tanong ko sa kaniya at saka ko lang naisip na nanginginig pala ako dahil sa katotohanan na unti-unti ko nang nadidiskubre.

"Oo, aksidente lahat. Tatakas na sana tayo. Gusto na natin magsama noon." Napabuntong-hininga si Laurent. Tumitig pa siya sa akin. Nasa mga mata niya ang kalungkutan dahil sa mga nangyari.

"Paano tayong naaksidente?" tanong ko.

"Ang plano natin ay aalis tayo ng Pilipinas at sa ibang bansa manirahan. Handa na tayo magtago para lang maipanganak mo nang maayos ang baby natin pero hindi nangyari... naaksidente tayo bago pa man tayo nakaalis ng bansa."

"At ano ang nangyari sa 'yo?" curious kong usisa. Kung naaksidente kami ay bakit ako nawala sa lugar kung saan naganap ang aksidente? "At bakit... bakit akala ng lahat ay patay na ako? At ikaw... paano kang nakaligtas sa aksidente at ako ay naging missing?"

Nakita ko ang pagkalito sa mga mata niya dahil sa tanong ko. Matagal munang nag-isip siya sa nangyari dati na waring inaalala niya pa. Hanggang sa...

"Hindi nakita ang katawan mo," malungkot na sabi niya.

"Pero nakita ka?" I need to know more.

Hindi na naman siya agad nakasagot. Nagtataka akong nakatitig lang sa kaniya at hiihintay ang sasabihin niya.

"I'm sorry..." Laurent whispered. "Tatlong buwan akong nasa ospital at nang payagan na akong makalabas ay ikaw ang una kong hinanap..." Laurent's voice broke.

Wicked GamesWhere stories live. Discover now