Chapter 6 (CONFUSE)

290 5 0
                                    

STARVING...

Gutom na talaga ako... Sa ilang rounds kasi namin sa opisina ni Adyell, bago kami nag-decide na umalis doon, para ituloy na ang planong pagkain dito sa restaurant ng hotel, ay halos naubos na talaga ang lakas ko.

I let him order for me dahil hindi ko alam kung ano ang basa sa mga French terms ng pagkain na nasa menu. Dinahilan ko na lang na pagod ako. He grinned after I reasoned out sa obvious na alam niyang dahilan.

"Do I love French cuisine before?" tanong ko. I need to know dahil ang totoo ay mas gusto ko ang Asian foods like Korean, Japanese, and Chinese, aside from Filipino. But he said na mahilig ako sa French food kaya sige na lang.

"Yes," Adyell answered me with a smile. "The one I ordered ay ang palagi mong kinakain kapag dinner at nasa French restaurant tayo. You are the reason kaya lahat ng hotel ay may French food na sini-serve."

Hindi ako nakaimik. Really? So, I supposed to know that food name. Nakaramdam naman ako ng tuwa dahil sa sinabi ni Adyell, na lahat ng hotel niya ay may French food sa menu ng resto dahil sa akin... at least importante pala ako kahit noon.

Ilang minuto pa kaming naghintay bago na-serve ang pagkain na mukhang masarap naman kaya kumain na ako. We are in the middle of our food when someone interrupted us...

"Nice seeing you here, bro!"

Bro?! Napakunot-noo ako sa narinig na boses mula sa likod ko. Tiningnan ko si Adyell na kapansin-pansin ang agad na pagkawala ng masayang aura niya kanina.

Hindi ako nakatiis na nilingon ang lalaki na may-ari ng boses, at mabuti na lang napigilan kong mapasinghap nang malakas nang makilala ko siya. Siya iyong kasama namin sa family picture na nakita ko sa drawer weeks ago. Nakita ko ang panlalaki rin ng mga mata niya. Nabigla rin siyang makita ako.

"Max?!" pagulat na banggit ng lalaki sa pangalan ko.

Hindi ko siya pinansin at ibinalik ang mga mata kay Adyell na napansin kong nakatingin din pala sa akin, na waring may binabasa sa mga pagkilos ko. Nasa mga mata ko ang pagtatanong kung sino ang lalaki na bigla na lang hinila ang upuan sa gilid ng mesa at naupo roon kahit walang imbitasyon. Isa lang ang sigurado, magkamag-anak sila ni Adyell dahil nasa family picture din ito, na nakita ko.

"What the hell is this, Adyell?!" Nahimigan ko ang galit sa tanong na iyon ng lalaki kay Adyell habang pinaglilipat-lipat ang tingin niya sa amin. "Hindi siya si Max pero bakit magkamukha sila?!"

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinasabi ng lalaki. Anong sinasabi niya na hindi ako si Max? Bakit gano'n siyang magsalita?

Magkamukha?

"Huwag kang gumawa ng katangahan na naman, Laurent..." tinatamad na wika ni Adyell. "My wife suffered too much from y—" Adyell clicked his tongue irritatedly. "Let us not talk about the past. You are still my brother even I hate that fact. Better be thankful na dala mo ang apelyidong Andreev kaya nasasalba ka pa."

Hindi ako umiimik. Nakikinig lang ako sa kanila. Para saan ang magsalita kung hindi ko naman alam paano magsisimula?

At siya pala si Laurent... naalala ko ang sinabi ni Michelle na dapat ipakilala ako ni Adyell kay Laurent. Napalunok ako dahil sa kung anong kaba na nararamdaman ko. Magkapatid sila pero ngayon ko lang nalaman.

Bakit hindi sinabi sa akin ni Adyell na may kapatid siya?

Bakit parang ayaw ni Adyell na makasalamuha ko ang kapatid niya?

At bakit ako kinakabahan?

"Max?!" padaskol na kinuha ni Laurent ang kamay ko na nakapatong sa mesa at piniga iyon. Nasa mga mata niya ang kung anong emosyon na ayaw kong isipin dahil baka mali ako.

Wicked GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon