Chapter 7 (INTRIGUE)

233 8 0
                                    


QUESTIONS.

Dahil sa paglapit sa amin ni Laurent at pagtatalo nila ni Adyell sa harap ko ay lalong nagulo ang isipan ko sa mga dumagdag pang mga tanong.

"Hindi ko alam bakit sinasabi mo sa akin 'yan laban sa asawa ko..." Umiling kong sabi kay Laurent. "Adyell is a good husband. Simula nahanap niya ako ay wala siyang pinakita na hindi maganda sa akin. So, stop lying. Please..."

"Saan mo natagpuan si Max, Adyell?" tanong ni Laurent na binalewala ang sinabi ko.

"Wala kang pakialam kung saan. You don't need to know."

"Greece," sabat ko. Ayoko magalit sa akin si Adyell pero mas gusto kong makita ang reaksyon mula sa kanilang dalawa, na kanina pa nagtatalo dahil sa akin.

Napatitig sa akin si Adyell na nakasalubong ang mga kilay dahil sa pagbibigay impormasyon ko kay Laurent na halatang hindi niya nagustuhan pero... bakit?

I saw how Laurent grinned triumphantly because of my answer and how Adyell's eyes showed fury. I smiled at my husband... an apologetic smile that made him nod. Afterwards, he held my right hand, brought it to his lips, and kissed the back of my palm while glancing at Laurent. I sighed... alam kong ginawa niya iyon para inisin pa ang kapatid.

"Sweet..." Laurent said with something insulting in his eyes for Adyell. But when he looked at me, I could see bitterness... or sadness?

Perhaps.

"Anyway, enough about my wife. How are you, Laurent? Kailan ka pa pala nakabalik ng bansa?" tanong ni Adyell sa kapatid niyang nasa akin na naman ang mga mata nakatingin. "Ubos na ba ang pera mo kakabisyo at babae?"

Napatingin si Laurent kay Adyell at nakita ko ang paniningkit ng mga mata ng una.

Adyell chuckled. He is obviously insulting his brother. "Oh, sorry. Hindi ka na nga pala nakakapambabae. How could I forget..."

I continued observing. Nakikita ko na nainsulto si Laurent base sa mga sunod niyang reaksyon sa sinabi ni Adyell. Hindi ko maintindihan ang sarili pero... biglang naunawan ko si Laurent sa sama ng loob na nababasa ko sa mga mata niya.

Alam ko ang pakiramdam nang mainsulto dahil iyon ang laging pinaparamdam sa akin ng mga taong nakapaligid kay Adyell simula dumating kami ng Pilipinas. Muli ay naalala ko si Linda kanina, si Michelle sa party, at kahit ang mga magulang ni Michelle na halatang hindi natutuwang makita ako, halata naman kasi na gusto nila si Adyell para sa anak nila.

And speaking of Michelle ay hindi ko nakakalimutan na binanggit siya ni Laurent kanina...

"Kung may ginagastos man ako ay pera ko 'yon, Adyell. Baka nakakalimot ka na," Laurent stated that made me stopped from thinking about people surrounding my husband.

I glanced at Laurent, and he smiled at me sadly again.

Naisip ko... Kung hindi sila okay ay bahala sila, ayokong kumampi sa asawa ko dahil alam ko na kailangan ko pa rin marinig ang ibang nalalaman ni Laurent tungkol sa akin. With that thought ay pasimple kong nginitian ang lalaki.

"It is reallly so sad na hindi mo ko naaalala," wika sa akin ni Laurent na ikinailang ko. Baka sa sinasabi niya ay lalong mainis si Adyell. Hindi pwedeng mawalan ako ng tsansa na makausap siya. I have a hunch, na matutulungan niya ako, with other details I wanna know about two years ago.

"At sana ipagpasalamat mo na lang..." wika ni Adyell at napunta na sa kaniya ang atensyon ko. "Panahon na ang nagsasabi sa 'yo na magbagong-buhay ka na, Laurent. Iyan ang makakabuti sa 'yo at para maging payapa ang pamilya natin. I hope tigilan mo na ang pagiging kagaya ng mama mo."

Wicked GamesWhere stories live. Discover now