Chapter 3

7 0 0
                                    


Kabanata 3

( I'm back, my dear)

Sa mundo, kapag tanga ka, tatapakan ka nila. Buti nalang, medyo lang ako. Hindi naman ako basta basta lang magpapatalo diyan sa lalakeng yon at ang kerida niya.

Kahapon pa lang ay tumungo na ako sa mall at bumili ng vintage long sleeve polo na may leather belt sa bewang at wide leg pants, bumili rin ako ng itim na stilletos at cat eye sunglasses ko para mas badass ako tignan sa gagawin ko ngayong araw .

And naghanda na nga ako, I took a bath before wearing those things I bought with little of my money. Pagkatapos ay sinuklay ko ang straight kong buhok hanggang sa ibaba ng dibdib ko. Kinuha ko rin yong hand bag kong fake dahil yon lang mura. Wala akong kahit anong jewelry or bag dito, tanging damit lang. Pero buti nalang at may isa akong dress na may necklace gold design kaya inalis ko yon don at ginawang necklace. Bold gold jewelry para mas halata at rich tignan. Lumabas na ako at nanghiram ng red lipstick sa sales lady kahapon. Mabait naman siya kaya pinahiram niya ako.

Matapos maglipstick ay binigay ko sa kanya. " Thank you. " ngiti ko pa.

Ngumiti din siya. " Your welcome maam. Saan ho kayo maam? Pang rich ang dating ha? " tanong niya pa.

I chuckled at her. " Magtutuos kami ng asawa ko ngayon. Ge babush gurl, send ko sayo vid mamaya sa badass kong scene. " wika ko pa.

Tumawa siya at kumaway. Lumabas na rin ako sa hotel na taas noo at confident na confident bago pumara ng tricycle.

" Saan ho---madame. " parang nawierduhan si Manong sa sout ko.

Ngumiti ako kay manong. " To the Hernandez  Real Estate Building Manong. " wika ko pa.

Tumango naman si Manong at pinagdrive ako papunta doon. Nang makarating ay agad na akong bumaba at nagbayad.

Sinuklian naman ako ng manong at umalis na. Huminga ako ng malalim at nilingon ang building. It's a tall building, made of glasses lahat ng bintana, ganito pala kapag real estate company din huh?

I sighed and took a step, may hagdan pa bago makapasok. It's just a three step stair tho. Nang makarating ay agad ako pinapasok. Hmph, yaman ko siguro tignan. Kung hindi ganito sout ko, pinigilan nila akong pumasok. Akala din siguro nila na isa akong client dito.

Tumungo ako sa may clerk na babae don.

Tumikhim ako para makuha ang atensiyon niya.

Na intimidate agad siya. " A-Ah..How may I help you maam? " kabado niyang sabi.

I sighed and look at the front, walang katao-tao sa hallway. " Saan ang office ni Arthur dito?" tanong ko pa.

Napakurap-kurap naman ang clerk at parang nagtataka. " May appointment ho ba kayo kay Sir, Maam? Hindi pa ho siya dumarating. " tanong niya.

Tumaas ang kilay ko at nilingon siya. I sighed and took of my sunglass and badass-ly fold it to my collar. I showed her my ring..my wedding ring. " I'm his wife. Now where is his office? " tanong ko pa.

Agad lumawak ang mata niya nang makilala ako. " S-Sorry maam. N-Nasa huling floor po ang office ni s-sir.  " wika niya at tinawag ang isang guard.

Agad naman tumungo papunta sakin.
" Ano? " tanong ng guard.

Pinandilatan muna ng clerk ang guard sa pananalita niya. " Igiya mo si Maam patungo sa office niya. " wika pa niya.

" Ha? Bakit naman? " tanong ng guard.

" Asawa yan ni sir!"  pabulong na sabi ng clerk.

Medyo nagulat pa ang guard at nilingon ako. Tumikhim siya. " This way maam. " wika niya.

Forced MarriageWhere stories live. Discover now