Chapter 6

6 0 0
                                    

Kabanata 6

Agad na tumungo si Stacy kay Arthur at malambing na hinagod ang likod nito matapos mawala na ang lahat ng kasama namin bukod sa aming tatlo.

" Are you alright babe? Tsk, ayoko rin sa matandang iyon e. Buti nalang din at di na iyon babalik. " saad pa ni Stacy na ikinakunot ng noo ko habang nginitian naman siya ni Arthur.

Umirap ako saka bumuntong hininga at di mapigilan magsalita. I know I'm not in the place to say this but. " Are you sure tama ang ginawa mo? " di ko mapigilang isambit.

Napalingon naman sila sakin at kumunot ang noo.

" You have just lost a huge investor. " saad ko pa. Tho I'm not business oriented, alam ko rin ang mga basics gaya ng ang halaga ng investors. You just can't talk to them like that.

" She don't know what's she's saying. " iritang saad ni Stacy at nang-iinsulto.

Umirap ako sa kanya bago kinuha ang bag ko saka tumayo.

" I seriously don't get you. " wika ko saka lumabas.

Tumigil ako sa isang coffee shop para uminom. Natulala lang ako habang sumisimsim doon, I just realized I'm still no good in business, I don't have an idea what they we're saying kanina lang about statistics and all. Hindi naman kasi ako pinag-aral doon. Yes I have basic knowledge about statistics pero di ko maintindihan sa ganong paaran.

Bumuntong hininga ako at tinignan ang labas. Ang gulo ng mga tao sa labas, malayong-malayo sa payapa at masaganang buhay ko sa bukid. They were half running as they walk, para bang hinahabol ang oras. I see stray kids na hinahabol ang mga dadaan sa kanila para manghingi.

Di ko mapigilan maawa sa isang bata na gusot ang damit at napuno ng abo ang katawan. Pilit niyang hinahabol ang isang babae, nakita ko paano nairita ang babae at tinulak siya na nagpatumba sa kanya. Hindi naman yon pinansin ng babae at nagpatuloy paglakad.

I was about to stand up when I saw a man walk near the poor boy. May hawak itong paper bag na may laman sigurong pagkain at binigay sa bata. Napatigil ako hindi sa eksena na nakita ko kundi sa mukha ng lalake.

My heart beat loudly against my chest as I saw his side view. Hindi ako magkakamali...

Ngumiti siya dito at ginulo ang buhok bago nagpatuloy paglakad dala-dala ang isang sako.

Dali-dali akong tumayo, di na bale ang bag ko saka lumabas. It was hard to push the door na ikinairita ko, ang bigat kasi. Nang mabukas ko iyon ay nakahinga ako ng maluwag saka mabilis na humakbang papalabas saka hinanap ang pinanggalingan niya kanina pero wala na ito.

I saw him walk on the right just a while ago. That's when I realized he's in the truck na umaandar na papalayo.

Lumunok ako at di mapigilan mamuo ang luha sa mata. " P-Peter! " sigaw ko pero di tumigil ang sasakyan hanggang sa malayo na ito.

Humakbang ang paa ko at hinabol ang sasakyan. " P-Peter! " namamaos kong sigaw pero hindi pa rin ito tumigil hanggang sa di ko na matanaw.

Nanghihina akong napaluhod at sinalo ang luha ko. Tinakpan ko ang bibig ko at impit na humikbi.

***

Matamlay akong humakbang pataas sa hagdan. Tulala pa rin ako sa nakita ko kanina lang. Kung si Peter nga iyon ibig sabihin ay nandito lang sila sa Maynila?

Napalunok ako nang maalala ko siya. He looks fine now, gustuhin ko mang lapitan siya ay di maaari. He's better off..without me. I am married, kahit pa alam ko'y pinagkasundo lang kami ay hindi magbabagong kasal na ako.

To change decisions is futile. Naniniwala pa rin naman akong dapat ko respetuhin ang relihiyon so does my marriage.

" You're late. " may biglang nagsalita kaya nilingon ko at nakitang si Arthur pala. Nasa itaas siya at malamig na nakatingin sakin.

Forced MarriageWhere stories live. Discover now