Kabanata 7

49.3K 1.5K 258
                                    

Kabanata 7

Fields

As we get inside the room with it's dim lights, there are girls around the familiar man that's laying comfortably on the huge red sofa.

Siya 'yon ah? Siya 'yong isa sa mga lalaki sa nakaupos sa sofa noong pinaddle si Caspian. Ngayon ko pa siya nakita ng malapitan. Siya 'yong narinig kong medyo slang ang paraan ng pagsasalita.

Nanatili akong nasa likuran ni Caspian at nakasilip sa balikat nito. Nauna kasi siyang pumasok kaya nahuli ako.

"We have business to do, Monterozo." his ice-like voice creep into me.

Ang sinungaling niya talaga. Business? Akala ko ba bakasyon ang punta namin dito?

"Tol, alam mo 'yong salitang chill? Is like a river that flows down to my veins? I feel the chill inside." isang kanta 'yon ah? Pero hindi niya naman kinanta. 'Yong lyrics lang sinabi niya.

Basag siguro boses niya 'pag kinanta niya pa. Ginawa niya nalang tula.

Ang buraot niya.

"Wala akong panahon para sa mga kalokohan mo. Monterozo. I have received an information about the organization's field. One got it wrong." noong nagbaha ng kaseryosohan nalunod siguro si Caspian.

Sumilip ulit ako sa balikat ni Caspian at nakita ang Monterozo na kausap niya na tumayo at iniwan ang mga babae sa sofa.

Sa hitsura nito ay para siyang isang half.

Half unggoy.

I looked at his appearance and he just looked like Caspian. Ang pinagkaiba lang ay moreno siya at singkit ang mga mata. Dagdagan mo pa ang aura niya na parang palaging hindi nagseseryoso. Playboy gano'n.

Lumipat ang tingin ko sa apat na babaeng nakaupo sa pulang sofa. Sila 'yong tipo ng babae na makikita sa mumurahing bar.

Nalipat pabalik kay Monterozo ang paningin ko.

"So? That means we have to talk?" nakangising sabi niya at inilagay pa ang hintuturo sa manipis niyang mga labi.

"Privately," Caspian's deep and serious voice filled the whole dim room.

"Privately." Monterozo nodded and looked back at his girls. "Girls? You heard him." nagflying kiss pa ang ugok sa mga babae niyang malanding nagreklamo pero tumayo rin naman at umalis.

Nakita ko pa ang isang babae na parang hinuhubaran na si Caspian sa paraan ng pagtingin niya nang dumaan sila sa gilid namin palabas ng pinto. I looked at Caspian but he didn't even give a glimpse of the girl. Lumipat ang tingin ng babae sa'kin at umismid bago lumabas.

Anong ginawa ko do'n? Minsan talaga umaandar ang pagkatopak ng mga babae.

Nang sumara ang pinto ay bigla akong kinabahan. Tatlo na lang kaming natira tapos ako lang ang nag-iisang babae rito.

Tapos ano, silang dalawa may—gano'n. Basta lalaki sila.

Baka?

No. No, that will never happen. May business silang pag-uusapan 'di ba? Kalma lang, self. Kung may gagawin man silang kung ano sa akin ay marami naman akong kaibigan sa labas.

Pero ang hirap pa ring magtiwala. I'm in the lion's den. Baka lapain nila ako rito.

"You're with someone huh?"

Nabalik ako sa pinag-uusapan ng dalawang lalaki nang narinig kong nagsalita si Monterozo.

"Fuck off, Monterozo. I'm here for business." kapag si Caspian talaga ay ang hirap magbiro. Imbis na matawa siya ay magagalit pa siya.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon