Kabanata 18

41.1K 1.1K 203
                                    

Kabanata 18

Trap

Nakaharap ako ngayon sa isang maduming banyo. Sa pagkakaalam ko ay minsan lang nila nililinis 'to dahil wala namang masyadong gumagamit nito pero marumi pa rin. Nagbabanyo ba ang mga insekto?

Ito ang parusa sa akin ni Caspian. Ayos lang naman sa akin pero nakipag-away pa talaga ako. Pinapapili niya pa ako kung ang paglilinis ba ng banyo o round one ulit.

Syempre masakit pa kaya mas gustuhin ko nalang maglinis.

Tamad na kinuha ko 'yong map at isang balde ng tubig. Napatitig ako sa isang hugis bilog na metal sa sahig ng banyo. May mga maliliit na butas ito. Parang 'yong mga nasa kalsada? Parang tunnel o canal. Lahat naman ng banyo may ganito upang makalabas ang tubig. Pero bakit sobrang laki naman ata nito?

Sobrang tahimik na bigla ko nalang naalala ang tungkol sa nangyari kay Kara.

Ayokong mag-isip ng kahit anumang masamang alaala kaya iniwan ko 'yong trabaho ko at lumabas ng banyo. 'Di naman nakabantay si Cyrus sa akin kaya malaya akong makakagala sa buong building ng mga hackers.

Napuntahan ko na lahat ng kuwarto sa buong building pero wala pa rin akong nakikitang makapagkuha ng interes ko.

Napadaan ako sa isang bahagyang nakabukas na pinto. Lalagpasan ko na sana ito ngunit mabilis akong napabalik at sumilip nang nakita ko si Caspian at Monerov doon.

"Ayaw pa rin! Ano ba'ng problema mo?" nakita ko ang likuran ng dalawa at nakaharap sila sa isang malaking screen ng TV at nakakonekta ito sa isang keyboard.

"Mamaya na 'yan. Asikasuhin mo na lang muna ang lahat ng nawalang pera," utos ng malamig na boses ni Caspian.

I slowly walked in. Nakapasok ako. Sinigurado kong magaan lang ang paghakbang ko upang hindi nila ako mapansin. Agad akong nagtago sa likod ng pinto nang unti-unti silang humarap at naglakad palabas ng silid.

Hinila ng isa sa kanila ang pinto at sinarado. Si Caspian man o Monerov. Nang tuluyan nang nawala sa harap ko ang pinto ay bumungad sa akin ang malaking screen.

Nakangiti ako, ngiting Anabelle nang naglakad ako palapit sa keyboard.

Ano kayang mali nito? Ba't parang sobrang importante ata ng silid na 'to? Ito lang kasi ang silid na may isang malaking screen ng TV.

I put my index finger against my lips while examining the keyboard and reading what's on the screen.

Virus detected.

Ito siguro 'yong pinoproblema ni Caspian na mali sa sistema nila rito. Inaayos nila.

Paano ba mawala ang virus sa isang cellphone o computer? Reset 'di ba? Kailangan din hanapin kung saan nanggaling ang virus.

Nagmaniobra ako sa keyboard. Kung anu-ano nalang ang tinitipa ko.

Napagtanto kong biglang nag-iba ang kulay ng screen.

Are you sure to reset it all? Including important files and the systems connection?

Yes or Exclusion

I clicked the arrow to the Exclusion. Biglang lumabas sa harap ko ang lahat ng mga files na importante roon. Pinili kong huwag masali ang mga importante. Biglang may nag-pop up sa harap ko na isang box kung saan ako magtitipa.

The system detected a virus. Before resetting it, do you want to track down where the virus come from?

Yes or Ignore

I clicked yes.

Isang line bar ang lumabas na parang nagloloading ang system.

Napaatras ako nang may narinig na ingay.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now