Kabanata 20

44.4K 1.2K 124
                                    

Kabanata 20

Dark

Agad akong lumabas na suot ang bathrobe pagkatapos kong maligo at pinakalma ang sarili. May nakita akong desenteng damit na nakalapag sa kama kaya sinuot ko agad 'yon.

Nakaharap ako ngayon sa isang malaking salamin. I tied my hair into a ponytail style while I'm wearing a very conservative clothes like; thick black jacket with hood again and a dark jeans. I'm wearing a black sports shoes too like what the hell am I going to run for how many miles?

Ganitong-ganito ang sinuot ko nang pumunta kami sa isla ng mga gamblers.

Sa pagkakaalam ko ay delikadong pumunta sa gamblers' field. Siguro ay delikado rin ang pupuntahan namin ni Caspian ngayon?

Saan na naman niya kaya ako dadalhin?

Biglang bumukas ang pinto. Hindi ko na nilingon kung sino ang pinasok dahil kitang-kita ko ang repleksyon niya sa salamin na kaharap ko ngayon.

"Hey there, princess. Sorry but your prince isn't in a very good mood. Nasa baba siya, naghihintay sa'yo," pambungad ni Gordon habang nakahawak sa doorknob ng nakabukas na pinto.

Bakit 'di nalang si Caspian ang sumundo sa akin?

Marunong din pala siyang magtampo? Ang cute naman.

"Bakit ganito ang pinasuot niya sa akin? Ang init init dito sa Pilipinas, may balak ba siyang patayin ako sa init? Bakit wala siya sa mood at bakit ka narito? Ikaw lang ba? 'Di mo ba kasama ang killjoy na Villazardo na 'yo—" hindi pa nga ako natapos sa mga hinaing ko nangbigla siyang nagsalita.

"Patay ako nito, Khione 'pag 'di ka pa nakababa sa loob ng limang minuto," nakatingin siya sa wristwatch niya na parang sinusubukang ihinto ang pagtakbo ng oras. E 'di sana dapat ay sinira niya nalang ang relo niya.

"Ikaw lang pala mamatay eh, 'wag mo na akong idamay," muli kong tinignan ang ayos ko at hindi na pinansin pa si Gordon.

"Khione!" tawag ni Gordon nang hindi talaga ako umalis sa kinatatayuan ko.

"Kalma lang, Gordon. Aakyat din 'yong so Caspian at siya na mismo ang kukuha sa akin," nakangiti kong saad sa kanya. Napatingin ako sa repleksyon niya sa salamin.

Namutla ang inutil.

Ako nga na ako ang magiging dahilan ng mas pagiging wala sa mood ni Caspian, chill lang? Ba't siya 'yong namutla.

"Alam mo, Gordon? Try mo nga'ng maglipstick. Ang putla ng labi mo. 'Lika rito," kalmadong suhestiyon ko sa kanya.

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Gordon nang sumilip siya sa labas kaya mabilis akong pumasok sa banyo at nilock ang pinto. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto upang marinig ang maaaring pag-uusapan nila.

"What took her so long?" sabi ng panibagong nakakalason na boses ni Caspian.

"Ewan ko riyan sa babaeng 'yan. Mukhang oras na para lumambot 'yang kokote niya," naiinis na tugon ni Gordon.

Taas noo akong lumabas ng banyo at naglakad papunta sa pinto kung nasaan sila. Agad naman silang bumaling sa akin at gano'n pa rin ang ekspresyon ni Caspian. Wala.

Nilagpasan ko sila at hindi pinansin hanggang sa tuluyan na akong nakalabas ng expensive hotel room na 'yon.

"Anong pinakain mo sa babaeng 'yon? Mas lumala lang ang pagiging matigas ng ulo niya, Lord!" rinig kong sabi ni Gordon mula sa loob. Mabilis silang nakalabas at sumunod sa akin.

I will give Caspian the cold shoulder. Tignan natin kung sino ang mas ginawin sa aming dalawa.

Nang nasa loob na kami ng elevator ay nasa unahan ko na siya. Nauna rin siyang lumabas kaya nakasunod lang kami ni Gordon.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now