Kabanata 12

42.8K 1.4K 199
                                    

Kabanata 12

Deal

Mas lalo ko lang isiniksik ang katawan ko sa likod ng pinagtataguan kong kurtina.

Kahit huling-huli na ay 'di pa rin lalabas.

Nakakatakot siya, oo, pero mas kinakatakutan ko talaga ang maging ekspresyon ni Caspian.

Ilang minuto akong naghintay at hindi lumabas sa likod ng kurtina. Wala namang biglang humawi sa kurtina upang tuluyang mahuli ako. Ano kayang ginagawa niya?

Gusto kong sumilip ulit ngunit baka makita na naman ako.

Pero sumilip pa rin ako 'no.

Wala na siya.

Nasaan kaya siya?

Inilibot ko ang paningin ko at wala na nga talaga siya. Lumabas ako sa pinagtaguan ko at nakita ko pa ang mga trabahante rito na napatingin sa akin. Yumuko ako at lumapit sa isa sa mga natatakpang plato na may pagkain sa loob.

Binuksan ko 'yong takip at kumuha ng dalawang chicken drumsticks.

Lumabas ako na parang walang nangyari.

Habang nasa daan ako pabalik sa kuwarto kung saan ko iniwan si Monterozo ay papalitpalit ako ng pagkain sa drumsticks. Bale, isang drumstick sa kaliwa at kanang kamay.

Nang nakarating na ako sa second floor ay huminto ako sa gilid ng nakabukas na pinto. Hindi ako nagpakita.

May narinig akong nanunuksong tawanan sa loob at ang malamig na boses na 'yon.

"Yucks, tol. Mahiya ka naman." rinig kong boses ni Gordon.

"Kawawa ka naman, pre." isa pa 'tong si Monerov.

Silang dalawa 'yong tumawa. Wala naman sigurong namatay sa kakatawa 'di ba?

"Rolando! Fernando! Search the area!" tunog kulog ang boses na 'yon na umalingawngaw sa buong silid kaya pati rito sa labas ay sobrang linaw ng pagkakarinig ko no'n. Dagdagan pa ang pinto na nakabukas.

Lumayo ako sa pinto at nagtago sa isang masikip na hagdan malapit dito. Alam kong sa main stairs sila dadaan.

Nakayuko ako at nakatalikod nang narinig ko na dumaan sila sa pinagtataguan ko.

Mga hangal.

"Tama ako e, hindi si Sir Monterozo 'yon!" daldal ni Rolando hanggang sa unti-unti ng lumalayo ang boses nila.

Muli akong lumabas sa pinagtataguan ko at bumalik sa gilid ng pintong nakabukas. Sumandal ako sa dingding at kumagat sa kinakain kong drumstick.

"Nasaan si Villazardo?" tanong ni Monterozo sa mababang boses. Pamilyar na ako sa boses niya.

"Susunod lang daw siya," boses ni Monerov ang sumagot.

Nakarinig ako ng mga nahulog na gamit, hampas, pagkasira ng kung ano, basag ng salamin.

Nakaramdam ako ng takot sa iniisip na baka nagwawala si Caspian. Nawala na rin ang tawanan ng dalawa.

Gusto ko sanang sumilip. Pero natatakot ako. Ito na ba ang oras na kailangan ko ng umalis at magpakalayo-layo rito?

Paano? Lalanguyin ko ang dagat?

Naalala ko, 'di nga pala ako marunong lumangoy.

"Fuck! Paano kung may mangyari na naman sa babaeng 'yon? Nag-iisip ka ba Monterozo?!" parang isang basag na speaker ang boses ni Caspian. Masakit sa tenga.

"Chill lang, Lord."

"Sinong babae ba 'yan? Si Khione?"

Oh, famous na pala ako?

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon