Kabanata 50

39.6K 1.4K 234
                                    

Kabanata 50

Codrus

Tired. I've never been feeling tired before. My dad treated me and raised me like a princess. What I want? I don't get it because I already have it. Don't need to work my butt out just to earn money.

'Yong paulit-ulit na lang ang mga pangyayari? 'Yon ang nakakapagod. Noong huling nangyari sa'kin 'to ay wala akong nagawa. Did not fight back for myself and mostly for my babies.

Ngayon? Am I going to let this insane woman who happens to be my dad's real daughter do some things against me?

"Ang bobo niyo sa part na naniwala kayo sa kanya noon. Pati ba naman ngayon?" I rolled my eyes like this situation makes me annoy instead of being nervous.

"Anong gusto mo? Paniwalaan ka namin? Kahit kitang-kita ng dalawang mata—"

"May tatlo ba'ng mata?"

Natigilan ang lalaking nagsalita na isa sa mga opisyales nang dahil sa biglang sinabi ko. I don't know him at hindi ko naman kailangang kilalanin ang lahat ng kabilang sa mga opisyales.

I'm so annoyed na halos lahat ng pinagsasasabi ko ay sarkastiko.

"Kitang-kita ng mga mata namin na hawak mo ang baril."

Halos 'di na matigil ang pag-ikot ng mga mata ko.

Yumuko ako at dinampot ang baril sa sa sahig pero 'di ko pa nga nahahawakan ang baril ay may naririnig na akong pagkasa ng iilang baril mula sa banda kung saan nakatayo ang mga opisyales.

"Huwag kang kumilos."

I disobeyed the other man that's one of the officials. Pinagpatuloy ko ang pagdampot ng baril na nasa sahig.

"What the fuck?" Instead of hearing gunshot, narinig ko ulit ang boses ng lalaking nag-utos sa akin na huwag daw akong kumilos.

Why didn't he shot me?

Matuwid akong tumayo matapos kong nakuha ang baril at pinaglaruan ito sa mga daliri ko.

All eyes were on me. Waiting for my next move. I keep my head down and stared at the gun. Chineck ko pa kung may bala pa ba at meron pa nga.

Two bullets.

Saktong-sakto para kay Calla at sa kasintahan ni Kara. Pero hindi ko gagawin 'yon.

To live is to suffer. Hahayaan ko silang mabuhay at magdusa.

After checking the bullets, I raised the gun up and aimed at Lordcan. Nakatutok sa kanya ang nguso ng baril kasabay ng pagtutok ng halos sampung baril sa'kin.

Ni hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Lordcan but his eyes never left me.

"Khione..." hindi ko nilingon si Monterozo nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Drop the gun, Khione." I didn't obliged Monerov's order.

"What are you doing, Khione?" hindi ko rin tinapunan ng tingin si Gordon.

"Tumahimik nga kayo," tumahimik ang tatlo nang dahil sa simpleng pagsasalita lang ni Villazardo.

Nakakapagtaka. Wala si Kate at Trevino.

Focusing on Lordcan's darkening eyes, kinasa ko ang baril at kasabay no'n ay nadagdagan ng mga baril na nakatutok sa'kin.

"Any last word?" tanong ko kay Lordcan. Hindi rin ako nagpapakita ng ekspresyon sa mukha. My hands were a little bit trembling but rigid.

Alam ko kung ano ang ginagawa ko. Tignan natin kung sino ang hindi makatiis.

I received no response from Lordcan. Nakatitig lang siya sa akin na tila inaalam kung ano ang iniisip ko.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now