Kabanata 28

35.8K 1.1K 424
                                    

Kabanata 28

Kiss

Bihis na bihis. Nakaupo sa dulo ng kama at nakayuko ang ulo na parang pinapagalitan ng ama. Wearing an army-like clothes with its cap and a combat shoes.

Maayos na ang paa ko kaya puwede na akong makapaglakad o sumama kay Lordcan sa kung saan man siya pupunta.

Bakit nakasuot ako ng ganito?

Hindi ko rin alam. Sa tingin ko ay parang sasabak kami sa isang gyera at wala man lang akong dalang baril.

"Sir, the truck is ready." anunsyo ni Gordon na katabi lang ni Kate. Nasa labas sila ng kuwarto habang ramdam ko pa rin ang mariing paraan ng pagtitig ni Sir Lord sa akin.

I should call him Sir too. He's my superior anyway.

Ibig sabihin ba nito ay susundin ko na siya sa kung anuman ang iuutos niya sa akin?

Hindi.

Wala lang. Dapat kasi magalang tayo sa mga nakakatanda sa atin.

Anong truck? Ba't sa truck kami sasakay? Naubusan na ba siya ng mga magagarang sasakyan? Naalala ko tuloy 'yong sasakyan niyang iniwan ko sa port.

"Sir? Saan tayo pupunta?"

Agad akong napatingin kina Gordon at Kate na nasa labas. Their eyes widened like it's gonna drop out of its sockets. Kinindatan ko lang sila at tumingala kay Lordcan na ngayon ay nakakasalubong na naman ang dalawang medyo makapal na kilay.

Hawak niya ngayon ang cap ko. Ewan kung paano napunta 'yan sa kaniya.

"To the terrorist's camp," sagot niya sa kaswal na boses.

Imbes na makaramdam ng takot nang dahil sa sinabi niya ay napangiti pa ako. Alam kong delikado ang lugar na pupuntahan namin pero nandiyan naman siya 'di ba? Siya naman ang palaging unang maglalakad, kaya ayos lang dahil siya rin ang unang babarilin kung sakali.

Ano kayang gagawin namin doon? Tapos na yata ang trabaho niya rito sa torturers' field.

Napasimangot ako nang may biglang pumasok sa isip ko.

"Sa kampo ng mga terorista? Nababaliw ka na ba? Tapos nakasuot pa ako ng pang-sundalong damit? Ako 'yong una nilang papatayin eh!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at talagang maghihisterya ako rito.

"They won't kill you," kalmadong sabi nito sa malalim na boses. Nakatayo pa rin siya sa harap ko habang hawak ang cap ko. Nagulat ako nang may inilabas siyang isang posas mula sa bulsa ng pants niya.

"Anong gagawin mo riyan?" bakas a boses ko ang pagtataka.

Sinong aarestuhin namin?

"Give me your hand."

Natigilan ako nang dahil sa inutos niya. Ibigay ko raw ang kamay ko?

Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid at nang hindi ko nakita ang hinahanap ko at bumaling ako kay Kate at Gordon.

"May kutsilyo ba kayo?" tanong ko dahilan kung bakit napuno ng pagtataka ang ekspresyon sa mukha nila. Sinulyapan ko si Lordcan na nasa harap ko at gano'n din ang ekspresyon sa mukha niya.

Tumango si Kate at naglakad papasok. She handed me a little knife. Agad ko itong tinanggap at itinapat sa forearm ko.

Akmang masusugatan ko na sana ang sarili ko ngunit mabilis na kinuha ni Lordcan ang kutsilyo mula sa pagkakahawak ko. He gripped the knife on its blade. Sobrang nagulat ako nang nakitang tumulo ang dugo niya. Hawak ko kasi 'yong handle ng kutsilyo kaya paano niya iyon makukuha mula sa akin kung hindi niya hahawakan ang blade nito?

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon