Kabanata 30

35.1K 1.1K 388
                                    

Kabanata 30

Please

Isang araw na ang lumipas simula nang nangyari ang lahat ng 'yon. Hindi natuloy ang pag-alis namin papunta sa lugar ng mga terorista dahil sa nangyari.

Simula nang nangyari 'yon ay umiiwas na ako sa kaniya. Hindi ko na hinahayaang mahawakan niya ako kahit isang hibla ng buhok ko. Hindi ko na siya kinakausap o kahit isang sulyap ay 'di ko magawa.

Sobrang nasaktan ako sa mga nagawa niya kahapon.

Kung noon ay ikinulong niya ako sa isang kuwarto upang hindi lang ako makagawa ng kahit anumang kalokohan. Ngayon ay ako na mismo ang nagkulong sa sarili ko sa madilim at malamig na silid na 'to. Hindi lang siya makalapit sa akin ay sapat na 'yon.

Kaya niya akong saktan katulad ng ibang tao, ano ang pinagkaiba ko sa ibang tao? Wala.

He's so mysteriously dangerous.

Ngayon ay pumapasok na talaga sa may sayad kong utak na dapat pala talagang katakutan ko siya.

Akala ko talaga ay ipagpapatuloy niya ang paghampas ng latigo sa akin nang pinalabas niya si Villazardo.

'Yon pala ay takot siyang may makakita at makarinig sa kaniya na marunong din pala siyang humingi ng tawad.

Ang sorry ay para sa mga taong hindi sinadya na saktan ang isang tao.

Parang napilitan lang siyang saktan ako upang patunayan ang isang bagay.

I'm going to die because of boredom. Kaya naghanap ako ng makakalibang sa akin. Naalala ko 'yong kwintas na may LC na initials sa pendant nito. Pumasok ako sa banyo nang nakita kong may maliit na daanan dito papunta sa dulo kung nasaan ang banyo. Kaya pala halos 'di ko nakita kasi nakatago pala 'yong banyo.

Pinunasan ko 'yong kwintas hanggang sa tuluyan na itong nalinis pero may parte pa rin ng kwintas na 'di ko malinis.

It's a silver necklace.

Mukhang panglalaki ang kwintas dahil hindi naman masyadong bagay sa akin nang isinuot ko ito at sinuri sa salamin.

Itinago ko 'yon sa ilalim ng damit ko bago lumabas ng banyo.

Hindi pa nga ako tuluyang nakalabas ay narinig ko na ang malakas na pagkatok mula sa labas ng pinto.

Umupo ako sa kama at sumandal sa headrest nito habang nakatingin sa mga gamit na iniharang ko sa pinto upang walang makapasok.

Ano naman kaya ang maidagdag ko? Wala namang halos gamit dito pero at least ay may isang kulay itim na kabinet, itim na mesa, dalawang upuan, isang kulay itim na sofa, isang kulay itim na nightstand.

Kaya masasabi kong madilim dito ay dahil sa kulay ng mga gamit. Pati na rin ang kisame at pader, kulay itim.

"Khione! Buksan mo 'yong pinto!" rinig kong sigaw ni Villazardo at sumunod naman ang isang malakas na pagkatok.

"Tangina, kumain ka na kasi. Pinapahirapan mo pa kami eh." reklamo ni Kate sa boses na parang walang pake.

"Nabuksan ko na ah? 'Yong spare key ang ginamit ko na binigay ni Lordcan. Ba't ayaw? Itulak mo nga, Villazardo." boses naman ngayon ni Gordon ang narinig ko.

"Ba't ako? Anak ng nakakapagod kaya ang biyahe kahapon. Ikaw na," Villazardo complained. 'Yong boses niya ay parang sobrang pagod talaga siya. Sobrang overreact naman ng pagkakasabi niya. Nagawa niya pa nga'ng pigilan si Lordcan kahapon na kararating niya lang?

"Nag-iisip ba kayo? Ba't 'di nalang kaya kayong dalawa?" singit ni Kate sa naiinip na boses.

Nakanguso akong nakatingin sa mga gamit na iniharang ko na halos hindi man lang gumalaw.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now