Kabanata 8

46.3K 1.4K 230
                                    

Kabanata 8

Silhouette

"Hoy! Sabihin niyo sa amo niyo'ng masungit na nagugutom ako!" kumalabog ang pinto nang sinipa ko 'yon. Masakit na nga ang kamay ko, sasakit pa 'tong paa ko.

Ang malas talaga.

Kamalas-malas kasi ang mukha no'ng Caspian na 'yon.

Ilang minuto ang lumipas at biglang bumukas ang pinto kaya napaatras ako. Pumasok si Caspian na may dalang tray ng mga pagkain. Nilagpasan niya ako at habang nakatalikod siya sa akin ay akmang lalabas na ako ng pinto.

"Gusto mo ba'ng dagdagan ko ang parusa mo?"

Agad akong nag-U turn nang malapit na ako sa pinto.

Nakakainis naman 'to. Nakakabanas na.

Narinig ko ang pagsara ng pinto. Siguro sila Rolando at Fernando ang nagsara no'n?

Nanggigigil na tinulak ko siya matapos niyang nailapag ang tray sa isang mesa. Bumagsak siya sa kama at akmang tatayo na ngunit mabilis akong sumampa sa tiyan niya at agad siyang sinakal.

Pinagpatuloy ko ang pagsakal sa kanya ng ilang minuto.

Pero nang lumipat ang tingin ko sa mukha niya ay nakapikit na siya.

Hala? Napatay ko ata.

Dahan-dahan kong kinalas ang pagkakahawak sa leeg niya. Ibig sabihin lang nito ay akin na lahat ng kayamanan niya? Naging instant billionaire ako?

"C-Caspian?" kinakabahan kong sambit sa pangalan niya. 'Yong boses ko ay parang naiiyak na.

Anong gagawin ko? CPR?

"O-Oy..." niyugyog ko ang balikat niya pero hindi pa rin siya kumikibo. Nanginginig na ang kamay ko sa takot.

Ang lakas ko naman ata at napatay ko siya?

Suntukin ko kaya?

Nagulat ako nang isang kamay ang dumapo sa likuran ko at tinulak ako nito kaya bumagsak ako sa dibdib ni Caspian. Tumagilid si Caspian at ang isang kamay niya naman ay nasa likurang bahagi ng ulo ko na tila inalalayan ang pagtagilid namin sa kama habang magkaharap.

"'Wag kang maingay. Natutulog ako." he groaned.

Buhay pa pala ang gago.

Akala ko patay na e. Ang engot ko naman kasi hindi ko man lang chineck kung tumitibok pa ba ang puso niya.

Itinaas ko ang kamay ko sa dibdib niya at pinakiramdaman kung totoo bang tumitibok pa ba ang puso niya.

I felt it. Still beating.

Beating for whom?

Agad kong binawi ang kamay ko nang may naalala. They're talking about another girl. Who would it be? Sa dinami-rami ng mga babae niya, ni hindi ko man lang alam ang mga pangalan nila.

I stared up at his peaceful face. Pero kahit gano'n ay nagkasalubong pa rin ang medyo makapal niyang kilay. Kahit nakapikit ay mukha pa ring masungit na kung natutulog ito ay parang takot ka pang gisingin siya.

I wonder why he became like this.

I wonder why I'm feeling this unfamiliar feeling.

I wonder why he bought me and brought me here.

I wonder why...

"Staring is rude, Khione." nagpapanggap lang ata siyang tulog e.

Ginawa niya pa akong hotdog dito nang ipinatong niya ang mabibigat niyang hita sa hita ko.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon