Wakas

61.3K 1.7K 608
                                    

Wakas

"What? What the fuck! Goddammit. Shit! Monerov! What's happening there? Where's Khione?"

Hindi na ako mapakali rito. Nakatayo lang ako malapit sa kotse ko rito sa Eastside Boundary. Kasama ko sila Rolando at Fernando ngayon na nakabantay sa buong paligid.

Minsan ko nang naramdaman 'to dati and I don't like the fucking idea of repeating it.

Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa kabilang linya hanggang sa naputol ito.

"Rolando, Fernando. Dito lang kayo, hahanapin ko sila," hindi ko na hinintay ang sagot nila at mabilis na tumakbo papunta sa daan pabalik ng gubat.

I am a sinner.

"Fuck! Let me out!"

Napamura ako nang ikinulong ako ni Zimeon sa isang kwarto. Madilim at hindi ko alam kung may tao pa ba rito.

Bakit niya ako ikinulong? Because I'm trying to defy him pero ayaw talaga magpatalo ng matandang 'yon. Mas makapangyarihan siya sa'kin ngayon dahil isa siya sa mga seniors na hindi ko napatay noon.

Naawa ako sa kanya, sana tinuluyan ko na lang ang salot na 'yon.

Marahas kong pinagsusuntok ang matigas na pinto pero ayaw talagang bumukas at parang wala namang nakakarinig sa'kin kahit na sumigaw pa ako at maubusan ng boses.

Langya talaga. Walang utang na loob ang putangina'ng 'yon.

"Hoy, bata."

Natigilan ako sa sunod-sunod na pagsuntok sa pinto nang may narinig akong magaspang na boses ng isang matanda mula rito sa loob ng kwarto.

Hindi pala ako nag-iisa.

Sinong tinatawag niyang bata?

Hindi na ako bata.

Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng madilim na kuwarto ngunit wala akong makita kung 'di ang kadiliman.

Hindi ako nakaiwas agad nang bigla itong nagpakita sa mismong harap ko mula sa dilim at sinakal ako. Mariin niyang idinikit ang leeg ko sa nakakandadong pinto dahilan kung bakit mas nahihirapan ako sa paghinga.

"Ang ingay mo, natutulog ako," walang ganang pahayag nito at mas idiniin pa ang kanyang maruming kamay sa leeg ko. Ang haba ng kuko nitong bumabaon sa balat ko na parang isang taong hindi pinutol. "Ang lakas ng loob mo'ng istorbohin ang pagtulog ko bata, hindi mo ba alam kung ilan na ang napatay ko?"

Imbes na makaramdam ng sakit. Iba ang naramdaman ko.

Galit.

Namalayan ko na lang ang sarili kong binubugbog ang matanda hanggang sa malagutan ito ng hininga.

"Ang lakas ng loob mo'ng galitin ako," sinipa ko ang nakabulagta at duguan niyang katawan sa sahig.

I'm eighteen years old when I murdered a murderer.

Mabilis at malalaking distansya ang bawat paghakbang ko papalapit sa lumang warehouse dito sa torturer's field. Lumalabas ang iilang ugat sa braso ko dahil sa labis na pagpipigil ng galit.

Pumasok ako sa loob at naghubad ng damit pangitaas. Narinig ko pa'ng nahulog ang kwintas ko ngunit hinayaan ko na 'yon.

The necklace resembles as the Lordcan and Codrus collaboration.

I am fucking frustrated. Nakakaputa si Mr. Fuego. Tangina.

Hinayaan niya naman ako noon na kahit saglit lang ay makita ko si Khione basta't hindi lang ako magpapakita sa kanya.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon