Kabanata 9

46.7K 1.5K 257
                                    

Kabanata 9

Cruel

My eyes shut opened as I cough hard. May iilang tubig dagat ang lumabas sa bibig at ilong ko. Masakit ang lalamunan ko nang dahil sa maalat na tubig dagat, lalong lalo na ang buong katawan ko.

Nakahiga ako sa pinong buhangin sa tabing dagat. Isang pigura ng lalaki ang nasa harap ko. I still adjusting my blurry vision.

Pinaupo ako nito mula sa pagkakahiga sa buhangin. Sobrang ginaw na nanginginig ang labi at katawan ko.

Isang puting tuwalya ang ibinalot sa katawan ko.

Nadagdagan ng isang pigura ng lalaki sa gilid ko habang nakatayo na 'yong nauna kanina.

"Khione? Ayos ka lang?" nag-aalalang boses ni Monterozo ang narinig ko.

Ibig sabihin ay si Caspian ang nakatayo sa harap ko ngayon?

I looked up but it's too dark that I can only see his silhouette while the moon is behind him. I can see some drops of water from his wet hair down to his wet body.

Parang alam ko na ang nangyari bago pa man ako napunta rito sa tabing dagat.

From his appearance. Parang kagagaling niya lang lumangoy. Sobrang ginaw pero hindi ko nakikitang nanginginig ang katawan niya. Hindi tulad ng katawan ko na parang humihikbi nang dahil sa panginginig.

"Take her to my room, now." matigas na utos ni Caspian. Sobrang lamig at may halong galit ang tono ng boses niya kahit sa mahina na pagsabi no'n ay ramdam ko ang nag-uumapaw na galit niya.

Why in his room? Why not in my room?

Niyakap ko ang sarili ko nang dahil sa ginaw na nararamdaman. Pakiramdam ko ay sobrang putla na ng mga labi ko ngayon. Parang nagyeyelo ang buong katawan ko.

"Lordcan, kagagaling niya lang sa pag-aagaw ng buhay kanina tapos may plano ka pang pahirapan siya?" naramdaman kong tumayo si Monterozo sa tabi ko at hinarap si Caspian na nasa harap namin.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero nakikinig ako.

"You're out of this, Monterozo." tila nauubusan na ng pasesnya si Caspian. Konti na lang siguro ay sisigaw na siya.

"Can't you see her situation right now? She needs rest, Lordcan!" napasigaw na si Monterozo. I think he's the good kind of guy.

"I already gave her a very long time to rest but she always find a way to get into trouble." walang ganang sagot ni Caspian sa mga hinaing ni Monterozo.

Wait. Nasaan 'yong babae? Nakita ba siya ni Caspian?

I looked around but I can't find her.

"Lord, kahit ngayong gabi lang. Palampasin mo muna 'to—"

"Ang dami ko ng pinalampas sa gabing 'to, Monterozo. Hindi parusa ang ibibigay ko sa kanya. It's a lesson, I will teach her a lesson and I'm sure that she will learn from it." naglakad si Caspian paalis at nilampasan ako.

Hinihingal pa rin ako na parang nauubusan pa rin ng hangin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayoko munang lumapit kay Caspian dahil sa tono palang ng boses niya ay hindi ko na nagugustuhan ang  mga lumalabas sa bibig niya.

I never heard him like that before. This is new.

Napuno na siguro siya sa akin.

Isa lang ang magagawa ko ngayon. Ang ihanda ang sarili ko sa anumang gawin sa akin ni Caspian.

"Bakit ka ba kasi lumabas? Plano mo pa atang magpakamatay eh." bumaling sa akin ang madaldal na si Monterozo.

Sana naman ay sumunod na lang siya kay Caspian na umalis. Ang sakit ng ulo ko na parang nahihilo ako.

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now