Kabanata 16

44.7K 1.5K 236
                                    

Kabanata 16

Library

Nanatili akong nakatayo at nakayakap sa sarili ko. Nanatili akong nakatitig sa kawalan ng madilim na dagat. Tuluyan ko ng naikalma ang sarili ko.

Kasalanan ko lahat ng 'to.

Kasalanan ni Caspian 'to.

Lahat ng nakakonekta sa organisasyon na sinasabi niya. Lahat ng 'yon ay alam kong may kinalaman dito. Hindi naman ako kasali sa organization ni Caspian ah? Ba't kailangan ko pang madamay? Ba't kailangan pang madamay ang ibang tao.

"Let's go home, Khione." iba na ang boses niya ngayon. Hindi katulad ng kanina na parang sobrang maingat siya sa mga kailangan niyang sasabihin.

"Caspian—"

"Let's talk about it when we get home," putol niya sa gusto kong sabihin.

I don't know where my home is.

Tila nawawala ako at kailangan ko ng direksyon sa tamang pupuntahan ko.

Nagpatianod ako sa paghila niya sa akin pabalik sa loob ng resthouse at paakyat ng hagdan papunta sa rooftop. Kahit may nararamdaman akong kakaiba sa paraan ng paghawak niya sa palapulsuhan ko ay hindi ko na pinansin 'yon.

Sa lahat ang nag-asikaso sa akin sa loob ng helicopter. I'm wearing something like a headset with a mic.

Namalayan ko na lang ang sarili ko makalipas ang ilang oras ay nakaupo na ako sa isang kulay puting sofa. So Caspian naman ay nakatayo sa harap ko habang may hawak na wine.

"Simula ngayon. Sasama kana sa akin sa kahit saan man ako magpunta," siya nalang lagi ang gumagawa ng desisyon para sa akin.

Kulang nalang ay iisipin kong kapatid ko siya.

"Kahit sa banyo?" nakatulala at wala sa sariling natanong ko.

I frozed and looked at him when I heard his deep chuckles.

"Kahit sa banyo." he stated.

Inirapan ko siya. Baka umaandar na naman ang kamanyakan niya.

He told me earlier na sagot niya na lahat ng kakailangan sa libing ni Kara. He even gifted something for Kara's parents. Si David naman ay nanatiling tahimik at tulala. Siya ang kasintahan ni Kara, ngayon ko pa lang nalaman nang sinambit ni Caspian ang pangalan niya.

"I'll go back to where Monerov is," sabi nito nang muli akong tumahimik.

"Sa hacker's field." I stated that made him frozed this time.

Oo. Hindi pa namin napag-usapan ang tungkol sa mga illegal na mga gawain niya. Madalas siyang nagugulat ngayon sa mga biglang lumalabas sa bibig ko.

"Tell me everything that you know," seryosong utos niya dahilan kung bakit mas lalo akong sumeryoso.

"If and only if you'll tell me everything about your organization," panghahamon ko.

I tilted my head to look up at him. His eyes is darkening and seriously finding something in my eyes.

Umayos siya sa pagkakatayo at tumalikod sa akin. His muscled back caught my attention. Yeah right, he's not wearing something on his upper body.

I can see scars.

Where did he got that? Siguro ay mula 'yon sa mga parusang natatanggap niya. His scars looked old and fully healed. Ngayon ko pa lang nakita dahil sa liwanag na binibigay ng chandelier. I saw him half naked before but it was dim that I can't see the scars.

"Follow me..."

Sinundan ko siya at pumasok kami sa isang library. Nasa ibang bahay na namin kami. Ilang bahay kaya ang meron siya? Bakit hindi niya nalang ipamigay ang lahat ng 'yon sa mga walang matitirhan?

A Hundred Billion Worth Where stories live. Discover now