CHAPTER 3

2.3K 44 1
                                    

Kagaya nga ng sinabi ni Sir Fred, madali lang na na-adapt ni Liam ang mga dapat niyang gagawin bilang magiging bagong secretary ni Sir Fred. Tinurn-over ko na rim sa kanya ang iPad dahil naroon ang copies ng important files na kailangan ni Sir Fred.

Inayos ko na muna ang mga gamit ko sa table at nilagay 'yon sa iisang lagayan bago ako pumasok sa opisina ni Sir Fred para pormal na magpaalam.

"Thank you so much po, Sir Fred. Ang pagiging secretary ko po sainyo ang unang naging regular na trabaho ko after I graduated from college, at masasabi ko pong napakaganda ng naging experience ko rito dahil may mabait akong boss na tulad niyo po."

"Well appreciated and you're always welcome, Faye. Kung nagpapasalamat ka, mas lalo akong nagpapasalamat sa'yo. In the years that you've been my secretary, gumaan ang trabaho ko sa pagpapatakbo ng kompanya. You helped me a lot. You helped me well, Faye. That's why I'm very thankful to you."

Mami-miss ko rin ang pumasok sa kompanyang ito, sa halos apat na taon ko rito ay hindi lang ito naging working place para sa'kin, kundi naging tahanan ko na rin.

*****

Sa mga oras na ito ay mapapanisan na naman po ako ng laway, mga kababayan. Sa kadahilanang kasama ko ulit si Sir Clint sa loob ng kanyang sasakyan.

Siya kasi ang maghahatid sa'kin sa apartment na tinutuluyan ko para alam niya na raw kung saan ako susunduin sa araw na kasama akong lilipat sa bagong bahay nila.

Nagkakaroon lamang ng ingay sa tuwing ituturo ko sa kanya kung saan ang tamang daan patungo sa tinutuluyan ko. Siya naman ay tahimik lang na nagmamaneho. Mayaman nga siya sa pera, mukhang pobre naman pagdating sa salita, grabe naman kasi kung makatipid magsalita nito.

Along the road at malapit lang naman ang apartment na tinutuluyan ko mula sa kompanya kaya hindi mahirap hanapin. Nang makarating ay agad na akong bumaba at nagpasalamat kay Sir Clint bago ko isara ang pinto ng kotse niya. Hindi na ako nag-abala na ayain siya sa loob at alukin man lang na magkape. Hindi naman kasi siya kumikibo, masarap pa namang magkape habang nakikipag-chikahan. Kaya bahala na siya sa buhay niya, ingat na lang siya sa byahe.

Nang makarating ako sa apartment ay inilagay ko lang muna ang mga gamit ko sa kwarto bago ako tumungo sa kabilang kalye para puntahan si Ate Nora, ang landlady ng apartment.

Kinausap ko si Ate Nora na aalis na ako sa apartment. Nalungkot naman siya dahil mababawasan ang kanyang tenant. Nagtanong pa siya kung bakit biglaan daw? Na sinagot ko naman na may bago na kasi akong trabaho at hindi ko na kailangan pang mangupahan.

Sa huli ay nagpasalamat sa'kin si Ate Nora at gano'n din ako sa kanya. Lubos na pasasalamat ang pinaabot ko kay Ate Nora dahil ang apartment na pagmamay-ari niya ay naging tahanan ko na rin sa loob ng halos apat na taon.

Matapos kong kausapin si Ate Nora ay bumalik na ako sa apartment dahil tatawag pa pala ako kay Nanay para sabihin na mag-iiba na ako ng trabaho. Hindi ko pa pala nasasabi kay Nay, paniguradong mabibigla 'yon nang bonggang-bongga. Biglaan naman kasi, kahit nga ako ay nagulat din na makakatanggap pala ako ng gan'tong offer.

"Hello, Nay..."

"Oh, hello, nak. Napatawag ka?"

"Si Nanay, parang naging abala pa ang pagtawag ko," nagtatampo ang boses na saad ko kay Nanay na nasa kabilang linya.

Mr. Billionaire's ProposalWhere stories live. Discover now