CHAPTER 8

2K 43 0
                                    

Linggo na ulit at isa lang ang ibig sabihin, off ni Sir from work kaya kasama namin siya ngayon sa bahay. Sinabi niya sa mga bata kanina habang nag-aalmusal na pupunta raw rito si Sir Fred at kasama nito si Ma'am Cres. Kaya minutes after mag-breakfast ng mga bata ay inasikaso ko na sila para makaligo na.

Nang matapos kong asikasuhin si Toff at Tala ay ako naman ang nagpasyang maligo. Kumuha na ako ng susuotin at isang sanitary napkin dahil dinalaw na ako ng aking buwanang dalaw. Pinatong ko lang ang mga iyon sa ibabaw ng kamang hinihigaan ko.

Binilisan ko lang ang pagligo dahil kahit hindi ako nakikita ni Nanay ay paniguradong magagalit 'yon kapag nagbabad ako sa tubig ngayong red day ko. Ang dami kasing paniniwala ng matatanda sa'ming probinsya, bawal daw ang maligo kapag may dalaw. 'Yon lang ang hindi ko sinunod kay Nanay, sinabihan ko siya na mabilisang ligo lang tuwing meron ako dahil malagkit sa pakiramdam kapag hindi ako naliligo. Hindi ko kaya 'pag 'di ako naligo.

Pakanta-kanta pa ako nang lumabas ng banyo habang tuwalya lang ang nakatabing sa katawan ko.

Una kong kinuha ang underwear nang mapansin kong nawawala ang napkin.

Hindi pa naman ako makakalimutin at tanda ko pa na kumuha na ako ng isa at inilagay rito katabi ng mga susuotin ko. Tiningnan ko sa ibaba ng kama at baka sakaling nahulog lang, pero wala talaga. Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto habang iniisip na baka nakalimutan ko nga kung saan ko nailagay nang mapadako ang tingin ko sa pintuan, nakaawang ang pinto roon. Tanda ko rin na isininara ko iyon kanina, ah?

Habang papalapit ako sa pintuan para sana isara ulit iyon, narinig ko sa labas na may nag-uusap. Sumilip ako at nakita kong naroon ang mag-ama.

At si Toff... nakadikit na yung sanitary napkin sa noo.

Pasaway na bata talaga! Jusmiyo!

Sa taranta ko ay napalabas ako ng kwarto.

"Daddy, this is what you put on my forehead when I have a fever, right? I think it's kinda big because I got it from Nanny. 'Di siguro ito pang-kid. But why is it... it doesn't have cooling effect?" Tinapik-tapik pa ni Crystoff ang nakadikit na napkin sa kanyang noo.

Si Sir Clint naman ay nakangisi lang habang pinapakinggan ang anak.

"Toftof?" tawag ko habang napapalunok dahil sa kahihiyan.

"Nanny! Look!" Ngiting-ngiti pa siyang humarap sa'kin habang tinuturo ang nasa noo.

"Baby naman..." Sinimulan kong tanggalin iyon sa noo niya.

"Ouchy!" Pinigilan niya ang kamay ko kaya dinahan-dahan ko ang pagtanggal.

"Bakit mo kasi nilagay? Hindi naman 'to gaya ng iniisip mo." Nang matanggal ko 'yon ay tumalikod na ako at dire-diretsong pumasok sa loob ng kwarto ko, isinarado ko agad bago ako sumandal sa likod ng pinto at napapikit na lang.

"Sh*t! The awkwardness..." Napabuntong-hininga na lamang ako.

Dapat pala ay hindi na ako lumabas nang hindi na napahiya pa. Idagdag pa na tuwalya lang ang nakabalot sa katawan ko. Gusto ko na lang lumaho na parang bula o kaya lilipat na lang ako ng Mars.

Napatingin ako sa hawak kong napkin. "May wings ka naman, lipad na lang tayo papuntang Mars."

Parang baliw na tuloy ako rito dahil sa lintek na napkin na 'to.

Mr. Billionaire's ProposalWhere stories live. Discover now