CHAPTER 27

2K 39 1
                                    

"You look like her, Nanny," ani Tala na ang tinutukoy ay si Gly.

Sa sobrang taranta ko ay hindi ko na tuloy sila napakilala sa bawat isa.

"She's my younger sister. Kapatid siya ni Nanny kaya magkamukha kami."

"Nanny, water po." Si Toff na sinusubuan ko ng pagkain.

"Ako na. Just sit there." Nasa malapit banda kay Clint ang pitsel na kaharap namin kaya siya na lang ang nagsalin ng tubig para kay Toff.

Maya-maya'y pumasok na sa kusina si Daisy na nakakapit pa sa braso ni Nanay.

"Hi, bestpreeend!"

Pwede nang mabasag ang basong iniinuman ni Toff dahil sa hiyaw ni Daisy. Kung may paligsahan lang talaga ng patinisan at palakasan ng boses ay isasali ko 'tong kaibigan ko, isali ko na rin pala si Gly.

Tumayo ako para makipagbeso kay Daisy, nang yumakap siya sa'kin ay bumulong ako sa kanya. "Bakit 'di mo man lang pinaalam sa'kin na darating pala kayo ngayon?"

Aba't ang loka-loka ay nginitian lang ako

Mukhang wala akong makukuhang matinong sagot mula sa kaibigan ko kaya binalingan ko na lang si Nanay.

"Nay, si Clint po. Sina Toff at si Tala, ang mga batang inaalagaan ko po." Nakita kong tumayo si Clint at may pag-galang na ngumiti kay Nanay. Nilapitan ko ito para sabihan na magmano kay Nanay.

Agad namang lumapit si Clint kay Nanay. "Happy birthday, Tita," bati niya kay Nanay saka nagmano.

"Salamat, iho," ani Nanay.

Inalalayan ko ang mga batang tumayo. "She's Nanny's Mommy, my nanay. Do what Daddy did, okay? Mag-bless kayo kay Nanay then greet her a 'happy birthday'."

Ang gusto kasi ni Nanay ay ang ginagalang siya. At dito sa probinsya ay sinasanay ang mga tao lalo na ang mga bata na magmano para mapanatili ito bilang isa sa mga kulturang Pilipino.

Lumapit ang dalawa kay Nanay. Unang nagmano si Tala. "Happy birthday po, Nanay."

Sunod naman ay si Toff at ginaya ang ginawa ng kanyang ate. "Happy birthday po, Nanay."

Napangiti ako nang marinig na naki-nanay na rin sila.

"Ang babait naman ng mga batang 'to." Parehong hinalikan ni Nanay ang tuktok ng ulo ni Toff at Tala. "Ang saya-saya ko dahil nadagdagan kaagad ang mga apo ko."

Inalalayan ko na lang ulit ang dalawang bata pabalik sa kanilang inuupuan at hindi na ako nag-react sa huling sinabi ni Nanay.

"Sir Clint, ibigay ko na po 'to kay Tita Glo?" tanong ni Daisy bago itinaas ang nasa kamay. Nang tumango si Clint sa sinabi ng kaibigan ko ay agad namang inabot ni Daisy kay Nanay ang malaking paper bag na may takak ng mamahaling brand ng mga bag. "Tita Glo, regalo po ni Sir Clint sainyo."

"Maraming salamat dito, iho." Halata sa mukha ni Nanay ang tuwa dahil sa natanggap na regalo. "Maraming salamat din sa pagbisita kahit malayo ang lugar namin."

"Walang anuman, Tita. It's my pleasure to be here. Ang saya rito sa lugar n'yo kahit simpleng buhay lang ang mayroon kayo."

"Totoo 'yan, iho. Mas simple, mas masaya. Teka, tapos ka na bang kumain? Maraming pagkain, kumain lang kayo."

"I'm already done, Tita."

Nagpaalam na muna si Nanay nang tawagin ito ng kumare niya.

"Where can I wash my hands?" tanong ni Clint. Itinuro ko naman sa kanya ang lababo.

"Ako ang gutom na gutom na kanina pa." Walang pakundangang umupo si Daisy at nagsandok ng pagkain niya.

"Pa'no kasi ay inuna pa ang pakikipag-tsismisan."

Mr. Billionaire's ProposalOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz