CHAPTER 39

1.1K 20 11
                                    

Napag-alaman namin ni Clint na ang pinagmulan ng away ng magkapatid ay ang nasirang ginagawang project ni Tala. Ayon kay Tala ay gusto rin daw makikulay ni Toff sa painting na ginagawa niya, nakipag-agawan pa raw si Toff ng coloring materials hanggang sa natapunan ng acrylic paint ang patapos na sanang painting ni Tala. Bukas pa naman ang pasa ng project kaya paniguradong nainis si Tala kay Toff kaya nagawa nitong paluin ang kapatid gamit ang ruler.

Nang magsimulang magkwento si Tala sa daddy nila ay hindi na ito natigil sa pag-iyak. Nangako naman si Clint na tutulungan ang anak na simulan ulit ang pag-paint dahil yung nauna ay hindi na kayang ayusin pa.

Si Toff naman ay aminado sa kanyang ginawa nang tanungin ko ito. Pinagsabihan ko ang bata sa mahinahong paraan. Nagso-sorry nga ito sa'kin dahil naging makulit na naman daw siya. Ang sabi ko naman ay sa ate niya dapat siya mag-sorry.

Bago kami kumain ng dinner ay pinagbati muna namin ang mga bata. Nag-sorry sila sa isa't-isa pati na rin sa'min ni Clint.

Then after naming mag-dinner ay tinupad na ni Clint ang pangako kay Tala na tutulungan itong simulan ulit ang project na kailangan nang ipasa bukas.

Nang makapaglinis na ako ng katawan ay iniwanan ko muna si Toff sa kwarto nila, naglalaro ito sa tablet ng ate niya.

Pinuntahan ko sina Clint at Tala sa sala. Mukhang tapos na ang mag-ama sa ginagawa dahil nakahiga na si Clint sa sofa habang nasa tabi si Tala na nakahiga rin at nakaunan sa braso ng ama. May pinag-uusapan ang dalawa.

"Dad, are you okay and Mommy?" Tala asked while playing her father's stubble chin. "Kasi po kanina, there was a tension between you and Mommy, dahil po sa'min ni Toff."

"No, sweetie, don't blame yourself and your brother. I'm just mad awhile ago and I couldn't control myself to shout, I burst out, nadamay pa kayo sa galit ko. Then si Mommy naman... luckily, she was there to control me. We're so lucky to have your mom in our lives. Nagiging maayos ang samahan natin dahil sa kanya."

"Yes, Daddy, we're beyond lucky! I love Mommy so much and I'm very thankful that God gave her to us."

"Ang swerte ko rin sainyo," naiiyak kong saad. "Mahal na mahal ko kayo."

Nag-angat ng tingin sa'kin ang mag-ama.

"My..." Agad na bumangon si Tala. "Why are you crying?"

"I'm not sad kaya ako umiiyak, baby, I'm just so happy that I couldn't hold back my tears, tears of joy to be exact... Tara nga rito kay Mommy."

Niyakap ko si Tala nang makalapit ito sa'kin.

"Me, too!" habol ng isa ko pang baby. Yumakap din sa'kin si Clint. "Love you, sweetheart. We love you."

"Love you, My!"

"Love you, too! Mahal na mahal ko kayo..." Hinarap ko sila pareho nang bumitaw na kami sa yakapan. "Are you done painting?"

"Done na po, My!"

"Okay, good, Ate. So, you go upstairs na to your room. Medyo late na kaya need mo na matulog. Ako na lang ang mag-aayos dito."

"Okay po. I'll clean my body before I go to bed. Good night, Dad, Good night, My." Humalik sa'min si Tala bago naglakad paakyat sa taas

"Baby pala, h'wag na po mag-shower. Mag-toothbrush and use your wet wipes na lang, okay po?" pahabol ko kay Tala dahil halos ilang oras din ito sa ginawang project.

"Yes po. Copy, Mommy!

Tinulungan na ako ni Clint sa pagliligpit ng mga ginamit nila.

"Sweetheart, can we talk?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. Billionaire's ProposalWhere stories live. Discover now