CHAPTER 28

2.1K 49 2
                                    

Nahampas ko si Clint sa balikat, sabay punas sa noo ko. "Bakit ba bigla-bigla kang nanghahalik?"

Iniwan niya ang pinsan ko na kanina lang ay kausap niya at saka diretsong tumungo sa pwesto ko para halikan ako sa noo. Si Daisy tuloy na nasa tabi ko ay parang uod na naman na binudburan ng asin kung kiligin.

"You're murdering your cousin by glaring at her," sagot ni Clint. Pansin ko ring may nagbabadyang ngisi sa mga labi niya.

"Hindi ako nagseselos!"

"I didn't say anything like that." Hindi na napigilang tumawa ni Clint.

Nainis ako lalo dahil hindi naman ako nakikipagbiruan.

"Halatang guilty," singit naman ng kaibigan ko kaya tiningnan ko siya nang may pagbabanta. "Ay sowii! Sabi ko nga, maiwan ko na muna kayo. At ako na muna ang magbabantay sa mga bata para magkaroon kayo ng time sa isa't-isa, yieee!"

*****

"Ghorl, meron ka ba ngayon?" tanong sa'kin ni Daisy.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko, nag-aayos ng tutulugan namin. Napagdesisyunan namin na magkakatabi kami ng mga bata sa kama. Naglatag na lang din ng banig sa sahig si Daisy dahil hindi na kami kasya sa kama ko. Hindi naman maarte ang kaibigan ko, okay lang daw 'yon sa kanya, laki rin kasi siya sa hirap kaya sanay na raw siya sa hindi malambot na higaan.

"Anong meron ako?" balik tanong ko sa kanya habang pinapagpagan ang kama na pinalitan ko ng bagong bedsheet.

"Dalaw. Ang sungit mo kasi kanina pa."

"Ah, oo, kahapon lang. Kainis nga, bagong taon talaga ako dinatnan. Kaya sinalubong ko ang bagong taon na nakasimangot dahil sa period cramps."

"Sabi ko na nga ba. Pati tuloy si Sir Clint, napagbubuntungan mo ng kasungitan mo. Imbes na i-welcome mo siya rito sa bahay n'yo nang may galak, sinusungitan mo lang simula pa kanina."

"Gano'n ba?"

"Oo, kaloka ka! Hindi ka pala aware. Iniwan ko nga kayo kanina para masolo n'yo ang isa't-isa pero iniwan mo naman yung tao."

"Ginawa ko 'yon dahil nasa labas kami."

"Ay wow! Gusto mo pala sa kwarto kayo mapag-isa?"

Umangat ako ng tingin at hinarap ang kaibigan ko. Magkaharap kami ngayon at parehong nakatayo, napapagitnaan namin ang kamang kanina ay inaayos ko.

"Hindi sa gano'n, Daisy. May mga matang nakaabang sa labas, hindi mo alam ang tabas ng dila ng mga kapitbahay namin. Mag-iimbento sila ng sariling kwento base sa sariling paniniwala tungkol sa kung anumang nakikita nila. Kaya mahirap na, mas mabuting nag-iingat."

Namaywang si Daisy, pansin kong namumula na siya dahil sa pag-inom nila kanina.

"Paki mo ba sa kanila! Wala silang ambag sa buhay mo kaya h'wag mo dapat isipin kung ano man ang sasabihin ng mga bruhang marites na kapitbahay n'yo!"

"Oh, kalmahan mo lang. Baka isipin ko rin na buntis ka dahil ang bilis uminit ng ulo mo."

"Bunganga mo, bestprend! Baka magkatotoo." Lumapit si Daisy sa cabinet na narito sa kwarto ko at akala ko kung ano'ng gagawin, kakatok lang pala siya roon ng tatlong beses. "Knock on the wood. H'wag naman muna sana, gusto ko namang pakasalan muna ako ng boyfriend ko, at dapat ay financially stable na para mabigyan ko ng magandang buhay ang magiging mga anak ko nang hindi na nila maranasan ang hirap na pinagdaanan ko."

Napangiti naman ako sa mindset ng kaibigan ko.

"Hopefully, magkatotoo ang mga pangarap mo bago magkaanak... Pero sa ngayon ay matulog ka na muna dahil lasing ka na, ghorl. Iiwanan na muna kita rito dahil aasikasuhin ko pa ang mga bata, at para makatulog na rin sila."

Mr. Billionaire's ProposalWhere stories live. Discover now