CHAPTER 15

2.4K 50 1
                                    

Nang sumapit ang gabi ay inaasahan ko nang late na naman uuwi si Sir Clint. Si Tala at Toff ay hindi na nagtatanong kung dumating na ba ang daddy nila, siguro ay nasanay na rin na wala ang daddy nila at hindi na sila magpang-abot dahil busy ito sa trabaho at pagpaparami ng pera kahit sobrang yaman na.

Napatulog ko na ang mga bata. Ang susunod kong gagawin sana ay lalabas ako ng kwarto dahil tatawag ako kay Nanay. Pero pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin si Sir Clint na nakatayo sa labas ng kwarto ng mga bata. At ang nakaagaw ng pansin ko ay ang bagay na hawak-hawak niya ngayon.

"Ahm, excuse me po, Sir." Dadaan na sana ako sa bandang gilid niya pero bahagya siyang kumilos para harangan ako.

"For you..." He handed me a bouquet of flowers.

Veh! Ito na yung tinatawag na awkward moments between me and my boss. Tinuro ko pa ang sarili at tumingin sa tabi, sinisugurong para talaga sa'kin ang mga bulaklak. Baka kasi may nakikita siyang hindi ko nakikita.

"May bata kasing nagtitinda sa daan," panimula ni Sir Clint nang kunin ko sa kamay niya ang mga bulaklak. Nakakahiya naman sa boss ko kung tanggihan ko pa 'to. "It's already late at night, kawawa naman kaya binili ko na para makauwi na siya sa pamilya niya."

Tiningnan ko ang mga bulaklak at napag-alaman kong fresh flowers ang mga ito, hindi ko nga lang alam kung ano ang pangalan. Ang alam ko lang na bulaklak ay ang karaniwang bulaklak na nakikita ko sa probinsya namin tulad ng gumamela, sampaguita, santan na sinisipsip ko pa ang katas noon, at iba pang mga simpleng bulaklak.

Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakatanggap ng bulaklak, at ang hindi ko pa inaasahan ay kay Sir Clint pa pala manggagaling. Sabi ko pa nga noon, kapag nag-trenta na ako at wala pang nagbibigay ng bulaklak sa'kin, ako na ang bibili sa sarili ko at hindi ko na aantayin na sa burol ko pa ako makakatanggap ng mga bulaklak.

Ang ganda ng pagkaka-arrange ng mga bulaklak na halatang mamahalin. May card pa, binasa ko ang nakasulat... "If He Truly Wants You, He Will Pursue You" quoted words na nakalagay sa bandang taas ng card. Sa gitna naman ay bolded words na, I WILL PURSUE YOU. At sa ibaba, sa bandang gilid ng card ay may initial na C.H.V. Hindi naman halatang nabili niya lang 'to sa batang naglalako sa gilid ng kalsada.

Tumango na lang ako sa sinabi ni Sir Clint, kunwari'y naniniwala ako sa mga pinagsasabi niya. Ang galing din magpalusot nitong si Sir, nahiya pang aminin ang totoo.

"Eh, bakit n'yo po sa'kin binigay?"

"About last night, totoo ang mga sinabi ko, that's why..." turo niya sa mga bulaklak.

"Ano nga po yung sinabi n'yo kagabi, Sir?" maang-maangan kong tanong.

"What the... Faye, I was the one who's drunk last night. Pero ikaw agad ang nakalimot?"

Medyo tumataas na naman ang boses ni Sir Clint. Hindi man lang talaga umaabot ng oras ang pagtitimpi niya, ang bilis uminit ng ulo, eh.

"I didn't forget about it, Sir. Binabalik ko lang po sainyo ang tanong para masigurong ikaw po ang hindi nakalimot."

"What I've said last night, totoo lahat. At hindi ko 'yon nakakalimutan. Totoo ang sinabi ko, totoo ang nararamdaman ko sa'yo, Faye."

Bumalik ang tibok ng puso ko katulad ng pagtibok nito kagabi nang umamin si Sir Clint.

"I know we're not a teenager anymore for that kind of stuff," turo niya ulit sa bouquet of flowers na binigay niya sa'kin.

Gusto ko rin sanang sigawan si Sir na, "Hoy! Wala sa edad ang pagbibigay ng flowers." Huwag niya na ring babawiin 'to dahil first time kong makatanggap ng mga bulaklak, at bouquet of flowers pa.

Mr. Billionaire's ProposalWhere stories live. Discover now