CHAPTER 32

1.9K 36 1
                                    

Nagkakagulo kami ngayon sa group chat naming magkakaibigan dahil nalaman na nina Molly na boyfriend ko na si Clint. Although may napapansin na raw silang kakaiba no'ng nasa probinsya kami pero nagulat pa rin sila dahil malalaman lang daw pala nila ngayong kami na, 'di man lang daw nila nasubaybayan ang kaganapan sa ligawan stage. Kaya ayun, may pagtatampong nagaganap ngayon.

Pati kay Daisy ay nagtatampo sila. Natawa nga ako dahil nag-send si Daisy ng GIF na may mukha ni Bea Alonzo na nakahawak sa dibdib at may chat siya na, 'Ba't parang kasalanan ko?'

Pinaliwanag ko naman sa kanila kung ano ang rason ko kaya ayoko munang ibulgar muna, at naiintindihan naman nila 'yon.

Habang busy nga ako sa pakikipag-chat sa mga kaibigan ko ay hindi ko namalayang nakapasok na pala si Clint dito sa kwarto ng mga bata.

Ibinaba ko muna ang cellphone at hinarap siya. "Nakatulog pa lang ang mga bata. Akala ko nga'y tulog ka na rin?"

Umupo siya sa may paanan ng kama ni Toff, kaharap ko kung saan naka-indian sit ako at nakasandal sa headboard ng kama.

"I badly wanted to sleep but I don't know what's wrong with my body, I'm having trouble sleeping," ani Clint habang ginugulo ang buhok.

"Ayan, ang hilig kasing magkape."

"'Cause I have the best coffee maker in the whole world." Lumapit sa'kin si Clint para halikan ako sa pisngi saka siya humiga at umunan sa kandungan ko. Inayos ko naman ang pagkakaupo para komportable rin si Clint. "Ang sakit talaga ng ulo ko. Hmmm... I feel like I needed a forehead kiss."

"H'wag mo'kong pinagloloko, Clint. Wala pang doktor na nagsabing nakakapagpagaling ng sakit ng ulo ang isang halik."

"My Mom, she always told me that when I was a kid. And also, there's a movie na pinapanood ni Crystal, fairytale about a princess cursed by an evil fairy to sleep for a hundred years, and the only way to wake her from her sleep is true love's kiss from a prince."

"Idadamay mo pa si Tita. At nagpapaniwala ka naman sa fairytale." Inabot ko ang ointment na nasa ibabaw ng bedside table. "Hihilutin na lang kita nitong ointment na ginagamit ko sa tuwing sumasakit ang ulo ko at ibang parte ng katawan ko. Mas effective 'to kaysa sa kung anumang kiss na sinasabi mo."

Ibinaba ko ang isa kong paa para makabuwelo. Inayos ko rin ang pagkakaunan ni Clint sa hita ko bago ko simulan ang pag-masahe sa ulo niya.

"May nagdaang holidays pero hindi mo naman ata nagawang enjoyin ang bakasyon, subsob ka pa rin sa trabaho."

"The company needs me because Dad is about to retire soon."

"Paalala lang din na kailangan din ng katawan mong magpahinga."

"Okay lang sa'kin na mapagod sa trabaho basta ganito ang uuwian ko. Like this, resting in your arms."

"Umeepekto na ba?" tanong ko kay Clint na ngayon ay nakapikit na, mukhang nagiginhawahan na siya habang minamasahe ko ang gitna ng kanyang noo.

"Hmmm, yeah. It has a cooling effect. Inaantok na ako, but before that..." Marahan niya akong hinawakan sa batok kaya napayuko ako. "My goodnight kiss first before I fall asleep."

Kahit nakapikit si Clint ay nahagilap niya pa rin kung nasaan ang kanyang pakay. Inangkin niya ang labi ko nang ilang segundo bago siya kinain ng antok.

Minasahe ko rin ang mga kamay ni Clint. At nang masiguro kong malalim na ang kanyang tulog ay dahan-dahan kong nilipat ang ulo niya sa unan, saka ko inayos ang pagkakahiga niya sa tabi ni Toff.

Kinuha ko ang cellphone ko at lumabas muna dahil naalala ko na tatawagan ko pa pala si Gly. Bumaba ako at binuksan ang ilaw sa sala. Sa sofa ako umupo bago ko i-video call si Gly nang makita kong naka-online pa ito.

Mr. Billionaire's ProposalWhere stories live. Discover now