CHAPTER 22

2.3K 45 5
                                    

Natigil ako sa pagtupi ng kumot nang bumukas ang pinto rito sa kwartong tinulugan namin ng mga bata. Si Clint ang pumasok bitbit ang dalawang paper bag at ang schoolbag ni Tala. Nilapag niya ang mga 'yon sa ibabaw ng kama kung saan mahimbing na natutulog pa si Toff, humiga siya sa tabi ni Toff at yumakap sa anak.

"Crystal's clothes and school uniform were inside the paper bag, and her socks and shoes were in the other one" ani Clint na halata pa ang antok sa boses. Pa'no kasi, halos hatinggabi na sila natapos.

Gaya ng alok ni Ma'am Cres, dito na nga kami natulog. Kaya pinakuha na lang namin kina Kuya Carlos ang mga gamit ni Tala dahil may pasok ito ngayon.

"Naliligo na si Tala. Ikaw, mag-asikaso ka na rin. Sa kompanya ka ngayon o sa site na inaasikaso mo?"

Yung negosyo kasi nila sa ibang bansa ay magtatayo sila ng panibagong branch dito sa Pilipinas. Si Clint ang narito kaya siya na mismo ang nag-aasikaso ng magiging pwesto at iba pang mga bagay na kakailanganin.

"After work, diretso ako sa site."

"Balik ka na naman sa pagiging sobrang abala mo."

"Don't worry, sweetheart, I'll still find a way to make time for the kids even if I'm busy."

"Hindi lang 'yon, isipin mo rin dapat ang sarili mo. Masyado mo nang pinapagod ang katawan mo. Pa'no kung ikaw naman ang magkasakit?"

"Alam ko naman na willing kang alagaan ako." Bumangon siya at lumapit sa'kin.

"Seryoso ako, Clinton. Huwag mo masyadong pinapagod ang katawan mo."

Yumakap siya sa baywang ko. "Copy, my lady boss." Sabay halik sa pisngi ko. "You're so concerned, huh?"

Naitulak ko si Clint nang marinig kong bumukas ang pinto ng CR. Mula roon ay lumabas si Tala suot ang pambatang bathrobe na bigay ng kanyang mamila.

"Good morning, my little sweetheart," bati ni Clint at nilapitan ang anak.

Sinimulan ko na ring asikasuhin ang mga gamit ni Tala.

"Good morning, Daddy. Did you bring my bag and uniform po ba Daddy?"

"Here na, baby. Come here to Nanny," aya ko kay Tala. "Para mabihisan na kita at makapag-breakfast ka na after."

Nang makalapit sa'kin si Tala ay tiningnan ko si Clint, sinenyasan ko siya na lumabas na at mag-ready na rin for work.

"Baby, ihahatid lang kita sa baba para makapag-breakfast. And then babalik ako rito kasi walang kasama si Toftof."

"Okay po, Nanny."

Pagkatapos kong mabihisan at maayusan si Tala ay bumaba na kami. Naabutan namin sa kusina ang mga kasambahay na naghahanda na ng almusal. Ipinaghain ko si Tala at tinimplahan ng gatas bago ko siya iwanan at bumalik na sa taas.

Paakyat na sana ako nang makasalubong ko si Sir Fred.

"Good morning po, Sir Fred."

"Good morning, Faye. Gising na ba ang mga apo ko?"

"Tulog pa po si Toff. Si Tala naman po ay nag-aalmusal na, may pasok po siya ngayon."

"By the way, Faye, ilang araw na lang ay pasko na. Do you have any plan going home, to your province? Kasi madalas umuuwi ka tuwing Christmas and New Year, right?"

"'Yon nga po, Sir. Ang kaso ay hindi pa ako nakakapagpaalam kay Sir Clint, hindi ko rin po alam kung... papayagan niya po ako." Napakamot pa ako sa noo.

"Don't worry, ako nang bahala sa anak ko. But, I am not sure with my grandchildren. Kung papayag ba silang aalis ka."

Napaisip nga ako, ilang oras lang ngang mawala lang ako ay lagi akong hanap-hanap ng mga bata lalo na si Toff. Pa'no pa kaya nito 'pag ilang araw akong hindi nila kasama?

Mr. Billionaire's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon