CHAPTER 20

2.3K 48 3
                                    


I sighed and put my arms on the countertop. Narito kami ngayon ni Clint sa kusina, parehong nakaupo sa counter stool.

"Problem, sweetheart?"

Hinayaan ko muna ang tea bag na mababad sa mainit na tubig at itinabi ang maliit na tasang iniinuman ko ng tsaa. Itinuon ko ang atensyon kay Clint na ngayon ay nagsasalin ng wine.

"Hindi mo ba napapansin na habang tumatagal ay lumalayo ang loob ng mga anak mo sa'yo?"

Hindi pinansin ni Clint ang hinaing ko. Tinungga niya lang ang iniinom saka nagsalin ulit.

"I know I'm not in the right place to complain, wala akong karapatan dahil hindi ako ang nanay. Pero kasi, Clint, ang inaalala ko ay ang mga bata at ikaw bilang tatay nila. Sobra mo nang inaabala ang sarili sa pagtatrabaho, to the point na wala ka nang oras kay Toff at Tala. Ni hindi kayo magpang-abot sa isang araw man lang dahil aalis ka nang sobrang aga at uuwi ka naman na gabing-gabi na, tulog na sila. Kawawa ang mga bata. At kung sa tingin mo ay pinanghihimasukan ko ang buhay n'yo? Hindi. Hindi sa gano'n. Inaalala ko lang ang nararamdaman ng mga bata at ikaw bilang ama nila, Clint." Ipinatong ko ang kamay sa balikat niya. "Kaya sana ay ayusin mo ang relasyon mo bilang ama sa mga anak mo bago pa mahuli ang lahat. Bago pa tuluyang lumayo ang loob ng mga anak mo sa'yo."

Kinuha ni Clint ang kamay ko na nasa balikat niya at magkahawak na ipinatong sa countertop.

"I know. That's why I'm guilty. Alam ko naman na may responsiblidad ako sa kanila as their father. And I also know na hindi ko na 'yon nagagampanan."

"Kaya nga kailangan mong bumawi."

He breathed heavily. "I didn't know where to start. To tell you honestly, nahihiya na ako sa mga anak ko, especially when it comes to my daughter, siya ang mas nakakaintindi compare to Crystoff. Kaya alam ko na siya ang mas may hinanakit sa'kin. Si Crystoff, laruan o ipasyal mo lang 'yan, okay na. But to Crystal, I don't know, hindi ko na alam ang gagawin." Tinungga niya ulit ang kalahating wine na laman ng basong iniinuman niya.

"Hindi pa naman huli ang lahat. Mahaba pa ang mga araw na darating. Pero mas maganda na sa mas lalong madaling panahon ay simulan mo nang bumawi sa kanila. Bilang anak, mahirap na wala sa tabi ang mga magulang. Naandyan nga pero parang wala naman, mas mahirap 'yon. Wala na ang mommy nila na aagapay sa kanila, kaya ikaw bilang daddy nila ang pupuno ng kulang na 'yon. Kasi ako, Clint, ramdam ko sina Toff at Tala bilang anak din ako. Iniwan din kasi kami ng tatay ko. Pero alam mo ang pinagpapasalamat ko? Hindi ko masyadong naramdaman ang pangungulila sa ama dahil nariyan si Nanay na pumupuno ng pagkukulang ng tatay namin. Kaya sana gano'n ka rin kay Toff at Tala. Ngayong alam mo nang may pagkukulang ka sa mga anak mo, mas maigi na simulan mo nang bumawi at punan ang pagkukulang na 'yon. Kung hindi mo kaya at hindi mo alam kung pa'no sisimulan, nandito ako. I'm willing to help you."

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Clint sa kamay ko na parang dito siya kumukuha ng lakas.

"Thank you," he uttered. Tumayo siya at inabot ang ulo ko para hagkan ako sa noo. "I need it, I really need your help."

*****

Sinadya kong magising nang maaga dahil paniguradong magiging mahaba ang araw na 'to ngayon.

Pagkagising ko ay ginawa ko agad ang aking morning routine.

Tumungo ako sa bintana ng kwarto ng mga bata at hinawi ang kurtina saka ko binuksan ang bintana para pumasok ang sikat ng araw. Madaling araw pa lang pero maliwanag na ang sikat ng araw. Saktong-sakto at maganda ang panahon ngayon para magliwaliw sa labas.

"My babieees, time to wake up naaa!"

Inuna kong gisingin si Toff. Mas madali siyang gisingin kaysa sa ate niya. Konting kiliti lang sa leeg nito ay magigising na.

Mr. Billionaire's ProposalWhere stories live. Discover now