CHAPTER 9

2K 54 4
                                    

"Do you need help, Tala?" tanong ko nang makitang nahihirapan itong magsapatos.

Pansin kong kanina pa siya nahihirapan simula sa pagsuot ng uniform, kaso ay ayaw niya namang magpatulong dahil kaya niya na raw.

"I don't need any help!" Halatang wala na naman sa mood.

Daig pa ako nito kung magsungit, ako 'tong may period pero parang siya ang dinatnan. Lunes na lunes pa naman ay masama na agad ang simula ng araw niya, mukhang hindi maganda ang gising ng batang 'to.

Nagising tuloy si Toff kaya ito na lang muna ang inasikaso ko.

"Good morning, Toftof!" Pinaghahalikan ko siya sa leeg.

"N-nanny, s-stop that!" He's laughing and giggling as I was tickling him.

"Okaay! I will stop na kasi aalisin na natin ang diaper mo. It's full na, oh!" ani ko nang makapa ang diaper na suot niya.

Nang maalis ko ang diaper ni Toff ay isinuot ko ulit ang pajama niya.

"Nanny, dede."

"Dede na naman? Your diaper was full, nagdede ka kasi the whole night," I teased him.

"Pleaaaase..." He pouted. Such a cutie! Ang gwapo lalo ng batang 'to kapag bagong gising.

"Sige na nga po. You wait Nanny here, okay? I'll just make your milk."

Sa baba na ako nagtimpla ng gatas ni Toff dahil itatapon ko na rin ang diaper na nagamit niya na, at isa pa ay wala nang stock ng gatas na naroon dahil naubos ito kagabi.

Pagbalik ko sa kwarto ay dala ko na ang hinihingi ni Toff. Naabutan ko itong tulalang nakatingin sa kisame habang naghihikab pa. Ibinigay ko ang milk bottle kay Toff saka ko ulit itinuon ang aking atensyon kay Tala, na ngayon ay hindi masuklay nang maayos ang kanyang buhok.

Nakaupo ito habang nakaharap sa kanyang vanity mirror.

Kita ko sa salamin ang busangot na mukha ni Tala, kamukhang-kamukha niya si Sir Clint kapag masama ang timpla ng mukha.

"Ako na, baby." Wala na siyang nagawa nang kinuha ko sa kamay niya ang suklay.

Hanggang baywang na ang haba ng buhok ni Tala. Straight na straight ang buhok niya ngayong basa ito dahil katatapos niya pa lang maligo, kapag oras namang natuyo ang kanyang buhok ay may natural na kulot ito sa dulo, may mga bagong tubo rin na baby bangs.

Nang tapos na ako sa buhok ni Tala ay pumunta ako sa harapan niya. Kinuha ko ang pulbos na nasa table. Nilagyan ko siya sa mukha at sa leeg bago ko i-spray-han ng pabango.

Napansin kong gusot ang suot niyang uniform at may butones na naligaw. Tiningnan ko rin ang pagkakasuot ng sapatos, okay naman kaso magkatabingi ang mga medyas, yung sa kanan ay mataas at mababa naman yung sa kaliwa.

I smiled at Crystal, at least she's trying. "Ayusin ni Nanny, okay po?"

Wala akong narinig na sagot. Kapag hindi siya kumibo, ibig sabihin ay gusto niya dahil wala siyang violent reaction, hindi niya ako pinigilan at sinabihan na kaya niya na.

I started fixing her uniform and socks when Crystoff comes towards us. Dala-dala pa ang dede niya.

"Can I wear like that?" turo ni Toff sa suot na uniform ng kanyang ate. "Yung pang-boy, Nanny."

"Hindi pa po. Because you haven't schooling yet, Toftof. Kapag pwede na ikaw mag-school, you can wear uniform na."

"Okay! I'm excited to go to school, so I can wear uniform!"

Tumayo ako nang matapos kong ayusin ang medyas ni Tala. Marahan kong hinawakan ang mukha niya.

"Ayan, much better. So pretty naman talaga ng Ate Tala namin.
Right, Toftof?"

Mr. Billionaire's ProposalWhere stories live. Discover now