CHAPTER 34

1.9K 43 5
                                    

Warning: R18‼️

Napagigitnaan namin ang table na inayos ni Clint kung saan nakaayos na rin ang mga pagkaing niluto ko
kanina.

Inilagay na rin ni Clint sa ibabaw ng table ang maliit na device na nabili niya nang pumunta siya sa ibang bansa para sa isang business trip. Ang device kung saan makikita namin ang mga bata. Lagi namin itong dala-dala kapag narito kami para malaman namin kung nagising o hinahanap kami ng mga bata.

"Ang sarap naman ng tulog ng mga baby ko," ani ko habang pinagmamasdan ang mga bata. "Ano kaya kung hindi magising si Toff?"

Lagi talaga kasing nagigising si Toff sa kalagitnaan ng gabi at iiyak kapag walang maramdaman na kayakap o katabi.

"Hindi 'yan. I'm sure of that. They're both tired."

"Sabagay, halos maghapon ba naman sa kalalaro ang dalawa."

Nang magsimula kaming kumain ni Clint ay nagsimula na rin ang aming kuwentuhan.

"Ah, yung ama ng mga pamangkin ko? Siraulo 'yon. Tinakbuhan ba naman ang responsibilidad!" sagot ko kay Clint nang matanong niya sa'kin kung nasaan ang tatay nina Bela at Estela. "Nag-seaman ang loko at pagkatapos ng ilang buwan ay nalaman na lang namin na hindi lang pala barko ang sinasakyan."

"I now fully understand why you hate men so much. But please keep in mind that not all men are cheaters. May mga lalaki rin na naloloko."

"Oo, alam ko naman 'yon."

"You see, ako ang patunay, 'cause I'm one of those victims."

Naalala ko nga na may minsang napag-uusapan namin ang ina ng mga bata, at naikwento sa'kin ni Clint na siya pala ang nakipaghiwalay dahil yung babae ang unang lumayo at ipinagpalit sila ng mga bata sa ibang lalaki.

"My children's mother cheated on me, to the point that I doubted her pregnancy with Crystoff."

Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain. "Ang ibig mong sabihin ay pinaghinalaan mo na hindi mo anak si Crystoff?" gulat kong tanong dahil ngayon niya lang nai-open sa'kin ang isyung 'to.

Nabitawan ko ang kutsara't tinidor nang tumango si Clint bilang kanyang sagot sa tanong ko. "G*go ka!" Nabigla rin ako nang lumabas na lang iyon sa bibig ko kaya binawi ko naman agad. "Sorry for my words... pero kas--"

"No, it's okay. You're right, sweetheart. That's why you don't need to make an apology."

"Oo nga, tama nga naman ako. G*go ka talaga at hindi ko na iyon babawiin! Bakit mo naman kasi paghihinalaan pa? Eh, halos nga pinagbiyak na bunga kayo ni Toff. Kahit sinong makakita sainyo ay hindi na manghihingi ng DNA test para mapatunayang mag-ama kayo."

"Yeah, I know... that's why I regretted. Realization hits me when I saw my son for the first time. When I carried him in my arms, all my doubts faded away."

Hinayaan kong magkwento si Clint dahil gusto ko ring pakinggan kung ano man ang rason niya.

"Kaya lang naman ako nagkaroon ng doubt kasi una pa lang ay pinag-usapan na naming hindi na pwedeng masundan si Crystal. I'm using protection that time, and she's on her pills... Ahm..." He paused a second and cleared his throat. "Is it okay with you if we talked about this issue between me and..."

Tumango-tango ako. "Oo naman. Just continue, nakikinig lang ako."

"You can stop me if I'm making you uncomfortable, okay?" Tumango lang ulit ako. "As I was saying, we'd plan not to have another child. And we should stick to our plan 'cause in the first place, we're not in love with each other. Our relationship starts with just pure... you know..."

Mr. Billionaire's ProposalWhere stories live. Discover now