CHAPTER 36

2K 38 2
                                    

Sa restaurant na pagmamay-ari ni Greyson kami nag-lunch. Sumabay pa nga sa’min si Grey kaya napuno na naman ng asaran ang VIP room kung nasaan kami.

“Man, ang haba na ng listahan ng utang mo rito. Do you still have a plan to pay? Malulugi ang negosyo ko dahil sa utang mo. Naitae mo na lahat ng nakain mo rito, hindi ka pa rin nagbabayad.”

Tumigil sa pagkain si Clint at tiningnan nang masama ang kaibigan. Natigil din si Grey nang mapagtanto ang nasabi kani-kanina lang.

“I’m sorry, my bad.” Tinapik tapik pa ni Grey ang bibig.

“Your dirty mouth, De Vera! We’re eating.”

“Sorry na nga po, Mr. Villarreal. As my apology, libre na ang pagkain n’yo ngayong araw. And if you want to have dinner date with Faye, bukas ang pintuan ng restaurant ko.”

“Okay, thank you in advance.”

Natawa ako nang bumulong si Grey ng, “Ang g*go, sineryoso nga.”

Umabot din ata ‘yon sa pandinig ni Clint kaya natawa rin ito habang umiiling. “Don’t worry, bro, on the day of the grand opening of my new restaurant here in Philippines, you’re free to eat whatever you want. Pa-promo ko na sa’yo.”

“Are you serious?”

“Ikaw lang naman ang mahilig magbiro sa’ting dalawa,” sagot ni Clint at saka nagpatuloy sa pagkain.

Tanging tunog na lang ng kubyertos ang naririnig nang tumigil sa pag-aasaran ang magkaibigan. Hanggang sa maya-maya’y napansin kong titig na titig si Grey sa mga bata na nagsusubuan ng pagkain.

“Find your baby, and make your own baby para hindi ka na naiinggit,” basag ni Clint sa katahimikan. “Kailangan mo nang kumilos, tumatanda ka na, De Vera.”

“Ikaw ‘tong wala na sa kalendaryo ang edad, Mr. Villarreal. H’wag mo nga akong dinadamay,” natatawang biro ni Grey pero hindi nakatakas sa’kin ang lungkot sa mga mata nito.

Nang nasa kotse na kami patungo sa kompanya ay nagdadalawang isip akong magtanong kay Clint kung ano ang pinag-usapan nila ni Grey bago kami umalis sa resto nito kanina, napansin ko kasing mukhang may mabigat na problemang dinadala si Grey. Pero naisip ko, mukhang pribado ang pinag-uusapan nilang magkaibigan, kaya bilang respeto ay nanahimik na lang ako.

Pagtuntong pa lang namin sa entrance door ng kompanya ay sinalubong na kami ng secretary ni Clint, si Jared, kilala ko ito dahil siya rin ang secretary ng dating COO ng kompanya.

Nauunang maglakad si Clint habang hawak sa kamay si Tala, at kami naman ni Toff ay nakasunod lang sa kanila.

Narinig ko pa si Jared na may sinasabi kay Clint na may naghahanap daw rito. May itinuro ito sa likuran at doon ko nakita ang matangkad na babaeng agad tinungo ang pwesto ni Clint para yumakap. “My goodness, Clint! I have been waiting inside your office for several hours. Ang tagal-tagal mo naman.”

“Ah, Sir, I’ll prepare the presentation, mauna na po ako sa conference room,” paalam ng secretary ni Clint.

Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Tala at hinihila nito ang kamay ko. “Mommy, go get Daddy, he’s yours.”

Sa totoo lang, gusto ko na ngang hilahin ang babaeng parang linta kung kumapit. Pero baka hindi lang alam ng babaeng ‘to na may nagmamay-ari na sa lalaking yakap-yakap niya.

“Who’s that girl, baby?” bulong na tanong ko kay Tala. “Ano ba siya ng daddy n’yo?”

“She’s Tita Veron, friend daw po ni Daddy. But I don’t want Daddy to have a friend like her.”

Mr. Billionaire's ProposalUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum