CHAPTER 30

2K 41 4
                                    

"Finally! Nakarating na rin ako sa bahay n'yo! Mapupuntahan na kita kahit anong oras." Pasalampak na umupo si Daisy sa sofa nang makarating kami sa sala ng bahay nina Clint. "In fairness, hindi kalakihan ang bahay na 'to pero perfect naman ang interior design."

Ibinaba ko si Toff at pinaupo ko na rin sa sofa para tanggalan ng sapatos.

"Ghorl, ano kaya kung mag-apply rin akong maid dito? Ang bongga kasi magpasahod ni Sir Clint kaya papatusin ko na kahit anong trabaho pa 'yan."

"Go lang, para magkatrabaho ulit tayo," sakay ko naman sa pinagsasabi ng kaibigan ko.

"Pwede nga rin."

"Oh, ayan na," tukoy ko kay Clint na kakapasok pa lang at karga-karga nito si Tala na halatang inaantok na. "Tanungin mo na kung hiring ngayon?"

"Joke lang naman, saka na kapag nasawa na ako sa trabaho ko ngayon."

Ibinaba na rin ni Clint si Tala, hinalikan niya ang mga anak bago humarap sa'kin. "I need to go to the company. Mag-lunch na lang kayo," ani Clint at hinalikan din ako sa noo.

"Ikaw? Hindi ka ba muna kakain?" tanong ko habang sinusundan siya palabas.

"I really need to go. Dad called me, kailangan na ako sa kompanya."

"Okay, mag-iingat ka."

Hinatid ko si Clint sa labas. He gave me a quick peck on the lips before saying goodbye.

"Alam kong nagmamadali ka pero magdahan-dahan sa pagda-drive. Mag-iingat ha, Clint," paalala ko sa kanya bago siya pumasok sa kanyang kotse.

Pagbalik ko sa loob ng bahay ay inaya ko ang mga bata sa kwarto nila para bihisan. Si Daisy naman ay nagpaalam na papakialaman niya na raw ang kusina at siya na ang bahalang magluto para sa lunch namin. Sinabihan ko naman ang kaibigan ko na yung madali lang ang kanyang lutuin dahil si Tala ay gusto nang matulog, at dapat ay makakain muna ito bago matulog.

"I want to sleep na po," daing ni Tala habang tamad na naglalakad pababa ng hagdanan.

Nasa ibaba na kami ni Toff habang hinihintay si Tala na makababa.

"Baby, dali na, kakain lang tayo. You should eat before you sleep, c'mon."

Hindi ako nito sinagot at umupo sa gitna ng hagdan kaya inakyat ko na.

"Hindi ka po kasi nag-sleep kanina sa airplane, Ate Tala. You just play games on your tablet."

"Oo nga po," sang-ayon ko kay Toff at itinayo ko na si Tala para alalayan pababa. "Ayan, antok ka tuloy, baby. Kami nga ni Toftof, natulog kanina sa plane."

Nang makarating kami sa dining area ay pinaupo ko na muna ang mga bata bago puntahan si Daisy sa kitchen.

"Ano, Yaya Daisy, luto na ba ang ulam natin for lunch?" biro ko.

"Grabe naman, ginawa mo talaga akong maid."

"Pinandigan mo naman kasi. Luto na ba? Kailangan ko na kasing pakainin ang mga bata."

"Ito na nga nga po, Madam, ihahain ko na po." Pinatay na ni Daisy ang gas stove.

Ako naman ay kumuha na ng mga pinggan, kutsara't tinidor.

"Si Sir Clint saan 'yon kakain?" tanong ni Daisy habang abala sa pagsandok ng ulam. "'Di man lang muna nag-lunch bago umalis. Kararating pa lang natin, trabaho na agad. Napaka-hardworking naman ng jowa mo, ghorl!"

"Nagmamadali nga dahil kailangan na raw siya sa kompanya."

"Sabagay, tatapusin na ni Sir Clint ang trabaho niya ngayon dahil mamayang gabi ay ikaw naman ang tatrabahuhin."

Mr. Billionaire's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon