CHAPTER 29

2.1K 43 1
                                    

"Nakakaloka!"

Pahiga na sana ako nang marinig kong nagsalita si Daisy.

"Kulang na lang ay langgamin ako rito."

Naupo ako sa kama at dinungaw si Daisy na ngayon ay wala nang takip na unan sa mukha at dilat na dilat na ang mga mata. "Kaloka ka rin, akala ko ba'y nakatulog ka na ulit? Muntik pa nga akong mabingi sa hilik mo."

"Sa ilang taon na pala nating magkaiban ay 'di mo pa alam na talent ko na ang pekeng paghilik. Nagtulug-tulugan lang naman ako para malaman kung ano pa ba ang susunod na mangyayari sa pagitan n'yo ni Sir Clint."

"Ewan ko sa'yo, Daisy. Good night na nga." Nahiga na ako sa tabi ng mga bata.

Ilang minuto na ang lumipas pero 'di pa rin ako dalawin ng antok.

"Ghorl?" tawag ko kay Daisy.

"Hmmm?"

"Gising ka pa?"

"Ay hindi, nagsasalita lang ako habang tulog."

Tumagilid ako ng higa paharap sa kanya."Naisip ko kasi... ayoko na tong patagalin pa at gusto ko nang sagutin si Clint."

"Go lang..." Maya-maya'y bigla siyang napabangon. "Hala, totoo? Hindi ako nananaginip lang? Seryoso kang sasagutin mo na si Sir Clint? Aba'y dapat lang!"

"Sshhh, magigising ang mga bata dahil d'yan sa boses mo na naka-volume na naman."

Lumapit si Daisy sa kinahihigaan ko at ipinatong pa nito ang baba sa ibabaw ng kama. "So, sasagutin mo na nga?" pabulong niyang tanong.

"Oo nga. Kaso namomroblema ako kung pa'no. Dapat ko bang sabihin na 'yes' without even asking me to be his girlfriend?"

"Gawan mo na lang kaya ng pakulo. Wait, mag-isip ako..." Umayos ng upo si Daisy at maya-maya lang ay nakangiti na itong humarap sa'kin. Dim light ang ilaw kaya ang creepy tuloy nang bumungad ang mukha ni Daisy sa harapan ko. "Alam ko na, bestprend, sabihin mo na lang kaya kay Sir Clint out of nowhere na, 'ngayon pa lang ay namomroblema na ako sa gastusin para sa susunod na taon' gano'n dapat."

"Huh? Bakit naman?"

"Ayan! Ganyan na ganyan ang sasabihin este tatanungin sa'yo ni Sir Clint after. At sasagutin mo siya ng, 'kasi sunod-sunod ang magiging okasyon next year pagpasok pa lang ng taon ay handa na para sa new year, kinabukasan ay birthday ni Nanay, at sa susunod naman na araw ay anniversary na natin' gano'n na gano'n, ghorl."

"At bakit gano'n?" Naguguluhan ako sa pinagsasabi nitong kaibigan ko.

"Kasi nga sasagutin mo s'ya bukas, January 3 at next year ay sa parehong petsa ay anniversary n'yo na."

"Kalokohan mo talaga, Daisy. Huwag gano'n at baka hindi agad makuha ni Clint ang ibig kong sabihin. Ako nga'y nalito, eh."

"Hoy, h'wag mo ngang iniismol si future jowa mo, matalino si Sir Clint at siguradong makukuha niya ang nais mong ipabatid. Naks, makata yarn?"

Napigil ang sanang paghikab ko dahil natatawa ako sa kalokohan nitong kaibigan ko. "Matulog na nga lang tayo. Salamat na lang sa suggestion mo na mukhang hindi ko naman mapakikinabangan."

"Gaga, gamitin mo 'yon. Sayang naman, ilang segundo ko rin 'yon pinag-isipan."

"Oo na, I'll try. Good night again. Sige na, matulog na talaga tayo." Sinabi ko na lang para tigilan na ako ni Daisy.

Nakita kong hihiga na sana si Daisy pero tila may pumigil na naman dito. "But wait, bestprend. May tanong pa'ko."

"Mukhang wala tayong tulugan ngayon. Ano 'yon?"

Mr. Billionaire's ProposalWhere stories live. Discover now